How to live with in laws?

Need ko lang ng words of wisdom or insights nyo mga mommies. 2nd pregnancy ko na to. Yung 1st pregnancy ko, nawala si baby nun, miscarriage. Dahil sa in laws ko kaya nawala si baby. Not totally pero yung pinaka loss, sila yung sa tingin kong nag cause. Dinugo ako nun, tanghali pa lang. Sabi ko sa asawa ko, samahan na ako sa ospital at natatakot nga akong mawala yung baby namin. -- Mommies, may pera kami before namin malaman na pregnant ako. At hiniram yun ng tatay ng asawa ko para ipambili ng motor, ang sabi kukunin sa amin 3 weeks from the day na sinabing hihiramin yung pera. Pumayag kaming mag asawa thinking na maibabalik naman sa amin in short span of time dahil may farm naman sila. 3 days after magsabing hihiramin ung pera namin, I tested positive sa pregnancy, so pumunta kami sa hospital to confirm. Turned out na 6 weeks pregnant na ko nun. That same night, kinausap ng asawa ko yung tatay nya na kakailanganin na namin yung pera dahil nga buntis ako at hindi na namin mapapahiram ng buo, pwede namin mapahiram yung half or lesser. Wala daw sagot yung tatay nya. The day came na sinabi nyang kukunin yung hinihiram para bumili ng motor. Kinausap yung asawa ko, pinipilit na kunin ng buo dahil naipangako na daw namin. Ininsist ko na hindi pwedeng buo dahil kakailanganin namin at wala akong assurance na maibabalik kaagad kahit yung half ng mabilisan. Nung hindi talaga ako pumayag, nagwala dun sa labas ng bahay namin, dinadamay at sinisira lahat ng pwedeng masira sa labas ng bahay namin, shouting na sinungaling kami. Since sobrang nakakahiya na yung ginawa, yung nanay na ng asawa ko nakiusap na ipahiram na namin at lahat jg mabebentahan sa farm simula sa linggong yun, ibabayad agad samin para mabuo yung perang hiniram ng tatay nya. Edi pinahiram namin kasi nanay nya na nagbigay ng assurance. Mga 1 week ata after nung incident na yun, dinugo ako, pag ihi ko na lang isang beses, may dugo na lumabas sakin. Sinabi ko sa asawa ko yun. Sabi ko punta n kaming ospital. Siningil na ng asawa ko yung nanay nya kahit 5k lang muna kasi nga pupunta kami sa ospital. Ang sabi ng nanay nya "wala pa napagbebentahan" kahit nakikita kong nagpapaluwas sila ng mga gulay pa-maynila. Tapos sinabi pa samin "eto muna 200, ipahilot mo na lang yan at baka hindi naman ganun kalala". Kinuha ng asawa ko yung 200 pero hindi kami nagpahilot. Nanghiram asawa ko sa mga kapatid nya pero wala din mapahiram. Yung panganay na kapatid ng asawa ko, sinabi siguro sa nanay nya na nanghihiram asawa ko. Nagdala tuloy ng manghihilot yung nanay nya. Sabi ko, ayoko magpahilot. Sabi sakin "wag ka nga mag inarte, sa hilot ko lahat pinaanak yang mga yan. Di porket laking maynila ka, puro na kaartehan papairalin mo". Sabi ko, "nangako po kasi kayong ibabalik samin yung pera namin paunti unti, ngayong kailangan po namin, parang kami pa yung masama na naniningil". Di ko alam bakit pero parang tinulak ako paupo na medyo pahiga nung nanay ng asawa ko na nag cause na bumulwak yung dugo sakin. Sabay sabi ng nanay ng asawa ko, "hilutin mo na yan, kay arte arte". Hanggang sa dun na lumabas yung buong dugo na baby ko na pala . Ngayong 2nd pregnancy ko, nakaipon naman na kami ulit at hindi na siningil yung una pero ngayon, gusto pang hiramin ulit yung pera namin dahil ipangbibili daw ng 10 inahing baboy. Sabi ko ayoko, hindi na, bakit pag alam nilang buntis ako, kinukuha nila pera namin? Ngayon, pag nalaman nilang papunta ako sa OB ko para sa check up, gumagawa talaga sila ng paraan para malate kami sa appointment o hindi makapunta. Andito yung binubutas yung gulong ng sasakyan, itatakas nila yung sasakyan tapos ibabalik ng hapon o gabi na. Hindi po madali magbuntis pag nsa probinsya dahil napaka layo ng ospital. Nung sinabi kong uuwi ako sa amin, ayaw din nila dahil gusto daw nilang makita yung pregnancy journey ko. Lahat ng pagkain na pinayagan ng OB ko, bawal ko daw kainin dahil lason daw sa bata yun. Gulay? Isda? Lason sa bata? Ang dapat ko daw kainin, matatamis para maganda daw laki ng baby? Gusto ata nila patayin baby ko, wag naman sana. Ang hirap maging in laws yung katulad nila, di ko alam bakit sa akin lang sila ganun. Mukhang fictional story pero kung taga Bulacan ka at medyo familiar sayo tong story na to, mapapatunayan nyong hindi ako gumagawa ng story.

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If I were you momshie I better left that place po o mag pasundo ka na sa magulang mo para wla na palag inlaws mo pag nandyan na sila. Bukod sa ma sstress ka dyan, mawawalan ka ng pera to support your pregnancy needs until your baby's born. Thankful ako dahil sobrang bait ng inlaws ko . Sila nagluluto para samin ni baby. Gigising na lang ako ng may pagkain na. I currently experiencing ubo at sipon and ramdam ko talaga na mahal nila kami ni baby dahil inaalagaan nila kami. Kaya kung ako sayo be, kung alam mo di na healthy environment mo for your baby's safety better let go.

Magbasa pa
3y ago

Lumayo na po kayo sa inlaws niyo mii. wag niyo pong isipin ng isipin ang mararamdaman nila dahil magasawa na kayo ni hubby mo. dapat sila ang mas nakakaunawa na nagsisimula na kayo ng pamilya at hindi all the time available kayo. kasi kung tatanggapin niyo ng tatanggapin pagtratrato nila sainyo magasawa, kayo din mapapagod at mauubos. If it doesnt bring you peace,leave it.

hello,grabe naaawa po ako sa inyo😭 grabe yung sitwasyon mo para akong ngbasa ng book na nakaka init ng ulo na nakaka awa 😔baka naman po pwedeng pakiusapan si husband na umalis na muna kayo dyan bumukod muna kayo natatakot ako para sayo sa totoo lang, parang ang dating sa kin ng storya mo is gingamit lang kayo or pineperahan. huhuh... alis na po kayo jan please usap po kayo ni husband umalis na po kayo.....ayokong maulit ung nangyare sayo dati 😭Magpasundo ka sa family mo please please please please po pleaaaase 🙏🙏🙏🙏 umuwi ka na lang po sa inyo please

Magbasa pa
3y ago

Thank you mommy sa pagaalala, makikipagcoordinate po ako kay maam na nag offer ng tulong para makabyahe dito sa comments po, para makauwi kaming magasawa sa parents ko muna.

mi kausapin mo asawa mo Hindi nman tama Yang ginagawa sayo ng in laws mo. mas okay siguro mag stay ka nlang sa inyo toxic ng mga in laws mo sa totoo Lang. sa una plang na ginawa nila dpat un plang maging aral na sainyong mag asawa. dpat Hindi na sila nakikialam sa buhay ninyong mag asawa. paano nlang kayo makakabuo ng maayos na pamilya kung ganyan sila ang nasusunod sa lahat. this time mi unahin mo muna sarili mo at si baby mo. para sa kapakanan nyong dalawa mas okay na lumayo kayo sa kanila kasi di makakabuti sau yan kung sila nagbibigay ng stress sayo.

Magbasa pa

better kung lalayo kayo. minsan ok lang i-shut-off ang pamilya lalo at ganyan na sobrang toxic. isipin mo din future ng magiging anak nyo. gusto mo ba na ganyan klase ng buhay ang kalakihan nya? kausapin mo maigi asawa mo. ikaw/kayo ni baby dapat ang priority nya. sobrang laking factor ng stress sa development ni baby habang pinagbubuntis mo, lalo at may history ka ng miscarriage. kung sakaling ayaw ng asawa mo lumayo, you already know what to do. pag-pray ka namin mommy. sana maging ok kayo ni baby

Magbasa pa

Bumukod na lang po kayo kung ganyan naman pala ugali ng inlaws nyo. yung malayo sa kanila kasi parang ayaw nila kayo magkaanak. hindi po healthy yan sa pagbubuntis nyo mas okay kung malayo kayo sa kanila. yung pera po na naipon nyo wag nyo ng ipahiram kasi panigurado maulit lang yung dati na hindi binalik kayo lang din mahihirapan. Sa food naman po ang sundi nyo ay ung OB hayaan nyo yang in laws nyo di naman sila ang nagbubuntis. mas marunong pa sila sa ob ah

Magbasa pa
VIP Member

Sissy, mas better bumukod na kayo kung may pinagkikitaan pala kayo mag-asawa na maganda. Ako kasi sa mga kapatid ko sila naging source ng stress ko kaya lumayo muna ko sa kanila sa ngayon dahil ayoko mawala baby ko. Pag-isipan mo mabuti, hindi pagiging selfish kung iisipin mo kapakanan niyo ni baby. Kailangan natin mga buntis ng peace of mind para maganda kalabasan ng pregnancy journey natin. Pag-isipan mo na. Ingat.

Magbasa pa
3y ago

Salamat po mommy sa kind words.

VIP Member

Mami unahin mo po sarili mo at yang baby sa tyan mo. mas safe at better kung aalis kayo jan iwas stress lalo na ngaun 2nd na pagbubuntis im sure medyo maselan pa rin yan. kausapin mo po ung asawa mo para lumayo kayo. dapat ipriority nya kayo. about sa pagbubuntis mo ikaw po ang masusunod since nasa tyan mo stick po tayu sa healthy at safe na food kay baby. please tell us kapag safe na po kayo. ingat and Godbless

Magbasa pa
3y ago

Thank you mommy for your kind words po. Makikipagcoordinate po ako dun sa isang nagcomment na nagooffer ng tulong para samin.

Grabe yung pinag dadaanan mo mii parang diko kaya pag ganon nangyare sakin kase first baby ko yun :( napaka tatag mo mii sobra. Siguro need mo muna umalis dyan sa mga in laws mo kase baka maapektuhan ulit si baby dahil sa stress. Yung mga sinabi ng OB sayo yun yung sundin mo kase sila yung mas alam para sa ikakabuti ng baby nyo. Praying po na sana malagpasan mo ang mga nangyayare sa inyo.

Magbasa pa
3y ago

thank you mommy for saying na matatag ako. That means a lot po :)

Saan po kayo sa Bulacan? :( Grabe naman po inlaws mo. Taga Bulacan po kami pero hindi naniniwala nanay ko sa hilot. More on Doctor pa din sya. Sorry for your lost po sa unang baby nyo. Yan yung mga inlaws na sarap sakalin. Char! Pero kung panatag ka po na umuwi ng Maynila. Doon po kayo. Para na din sa ikatatahimik nyo din mag asawa at para sa safe pregnancy mo din.

Magbasa pa

wag ka na mag isip pa, bumukod na kayo ng hubby mo. Tutal base naman sa story mo, madali kayong nakakaipon mag asawa meaning magaling kayo mag handl financially. Better mag usap na kau mag asawa at bukod na. Baka maulit lang ang nangyari sau sa 1st pregnacy mo, at worse kapag naisilang mo na baby mo eh dun pa magka problem. Pra iwas conflict na din sa inlaws mo.

Magbasa pa