Anong kinakain nio sa umaga?

Nasanay po KC ako na coffee β˜• and bread 🍞 sa umaga nung hindi pa ako nagpapacheck up, pero ngayong alam ko na buntis ako green tea with milk na LNG po iniinom ko sa umaga, kaso malakas po ako mag bread sa umaga, sabi po sakin ng ate ko wag daw po ako masyadong kumain ng matatamis saka carbs kasi baka lumaki daw ung baby, mahirap daw pag CS lalo na't bata pa daw ako. May niresita rin po KC sakin na gamot na iniinom ko sa umaga, kaya dapat rin cguro May laman ung tyan bago uminom ng gamot

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nope not true hindi nakakalaki ng bata , mas need mo kumain miee wag ka makinig sa ate mo makinig ka sa ob na nag aadvice ng tama at doctor yon pwede naman kumain ng madami eh need ni baby mo yan lalo at 1&2 trimester wag ka po matakot sa normal o cs πŸ˜‚ nag pabuntis ka at magiging ina ka dapat tanggapin mo na sa sarili na kahit anong mangyare iisipin mo safety ni baby πŸ™‚ I'm 37 weeks pregnant my baby weight is 2.7 partida kahit anong takaw ko maliit baby ko kasi first ko to complete vitamins, milk fruit and veggies 🀣🀣 kaya go lang gawin mo yung nakakabuti , kung alam mo sa sarili mo na mabigat kana edi unti unti kain wag mo tipidin sarili mo remember dalawa kayong nakain ni baby kaya kung gusto mo ng diet diet wag mo idamay baby mo madaming pwede mangyare mie πŸ˜“πŸ˜“

Magbasa pa

ito meal time ko sis ito: 4am breakfast- rice + ulam 7am snacks- pancit, 5pcs pandesal+ coffee unti lang 10am snacks fruits 1pc + Anmum or Arla fresh milk 12pm lunch 2pm-4pm nap time πŸ˜… 4pm snacks 7pm dinmer 9pm anmum + snacks Sa eldest ko 2.7kgs sya nung lumabas kasi tagtag din naman ako sknya walking + pregnancy exercise. Im currently 31W4D now sa 2nd baby at so far normal and healthy baby ko.

Magbasa pa
2y ago

Ano pong week kayo nanganak sa panganay nyo? Tapos ganon kayo katagal nag labor?

Hi mommy, try mo oatmeal with milk para may fiber and calcium ka na din sa morning. Then haluaan mo ng fruits like saging or apple. Mataas sa sugar ang bread, pero palitan mo yung white bread mo ng wheatbread siguro then moderation lang ang coffee. Mahirap iwasan ang coffee πŸ˜… pero make it once a day lang siguro.

Magbasa pa

ako din sis malakas ako s bread hilig ko lalao pandesal ska un tasty bread sinsabayan ko pa ng palabok or pancit, minsan nmn puto kutsinta basta yan ang hilig ko lalo ngayon 3rdtrimester na ako 33weeks na ako. sa gabi hindi na ako kumakain ng rice biscuit n lang at gatas minsan nmn balot na lang 😁

VIP Member

Depende naman kasi yan mi. Mataas ba sugar mo? May lahi ng diabetes ganon? If wala naman then okay lang kumain moderately. Kelangan pa din ng baby ng food. Ako diabetic talaga pero I eat bread pa din. Mas madalas breakfast ko pa nga. Kaso may glucometer kasi ako and nachecheck ko sugar ko 4x a day.

2y ago

thank you miee

try mo Mii oatmeal para dika mahirapang mag poop maghapon Ang oatmeal kasi nakakapag pa lambot Ng poop tas good din sya para sating ga buntis, gatas lang sakin tas lalagyan kolang onting oatmeal kasi gusto Koyung may nangunguya sa iniinom Kona gatas ☺️β™₯️

Ako mi simula nung nabuntis ako diko talaga napipigilan yung pagka adik ko sa coffee at hindi daw yun tama ang hirap kasi mag pigil pero ako nagkakape din ako minsan minsan sa isang buwan mga 2-3x ako magkape kainin molang gusto but moderate lang

Kung mag breadka po sa umaga try mo kumain din ng 1 egg para may choline. Limit na lang din ang caffeine everyday, green tea may caffeine din yan. Ok lang like once a day. Tapos milk na. Iwas lang po sa mga sweets din. Ok lang pakonti konti

VIP Member

switch tea sa milk like anmum,parehas naman kayo magbebenefit ni baby doon. .ok lang naman din bread, basta po lahat ay with moderation,aadvise naman kayo ng ob mo if masyado kna lumalaki or pag need nyo na magdiet.

Mii kain ka lang kung ano yung gusto mo kainin pero hinay lang sa matatamis at carbs pag dating mo ng 3rd tri. Pwede naman po coffee pero konti lang dapat.

2y ago

Matapang po kasi yun mii. Ako po kasi noon konting coffee powder lang with milk.