Be responsible

Napaka daming tanong ngayon kung buntis daw ba sila or hindi. Kesyo protected. Nag condom, withdrawal. Tapos meron pa base sa picture ng tyan at symptoms na nararamdaman. Please naman po. BE RESPONSIBLE enough para alamin nyo sa sarili nyo kung buntis kayo or hindi. Di naman masama magtanong kaso kung ganun yung tanong nyo pano naman masasagot dito. May ways naman po. Pwede kayo mag PT or magpa check up sa OB. Di naman po kasi masasagot dito yan eh. Kayo lang po makakaalam nyan sa sarili nyo.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tingin ng iba mas reliable dito sa app compare kung magbasa sila ng maayos about sex education na ang dami sa google 😐. nakakalungkot lang na may mga teenagers na intentionally nakikipagsex tapos walang kaalam.alam. yung iba din di ko alam kung spam or mga lalaki libog lang na nagtatanong pero yung narration sa post parang gumagawa ng wattpad tapos tanong kung nilunok yung kuan mabubuntis ba. dami problema ng mga parents in parenting and finances pero yung iba nawiwili sa sandaliang tikim. 😔

Magbasa pa