Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Totoo po yan. Walang masama maniwala. Ako din ganyan napaparanoid parang lagi may naka abang sa bintana ng room ko kaya nakakatulog ako kapag maliwanag na as in 5 am or 6am maswerte na ang 4 am na makatulog ako mula 20 weeks ata ang tyan ko nun hanggang ngayon hirap na ako matulog. May mga nakalagay naman na bawang at rosary sa bintana ng kwarto ko kaso wala kase akong kasama sa room kaya natatakot padin ako

Magbasa pa
6y ago

keep safe at always pray lang po tayo. sa ngayon kasama ko matulog ang mama at papa pati sister ko para makatulog ako ng maayos 😊