Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kalat ka ng asin at bawang sa labas ng bahay nio sis then pahid ka kalamansi sa tiyan mo tas lagay ka itim n tela sa tiyan mo or suotin mo damit ng hubby mo na itim, kelangan ung nagamit na nia. tas itayo mo ung walis tingting sa labas nio malapit sa tinutulugan mo.. kung my halaman kayo na matitinik lagay mo malapit sa tinutulugan mo.. ganyan tinuro sakin e.. kase dalawa beses na ako nakunan, tingin ng iba baka dw inaaswang ako di ko pa alam.

Magbasa pa