Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung may nararamdaman kang malamig o biglang lalamig yung paligid, parang may hangin na walang dahilan, baka daw may tiktik. Tapos may mga nagsasabi na may ‘feeling of being watched’—parang bigla na lang may kaba sa dibdib mo. Pero honestly, hindi ko pa naranasan talaga. I guess it’s just important to pray and always keep your faith strong. Siguro, masyado lang tayo nag-iisip kasi buntis, kaya medyo sensitive sa mga bagay-bagay.

Magbasa pa