109 Replies
Totoo po yan. Walang masama maniwala. Ako din ganyan napaparanoid parang lagi may naka abang sa bintana ng room ko kaya nakakatulog ako kapag maliwanag na as in 5 am or 6am maswerte na ang 4 am na makatulog ako mula 20 weeks ata ang tyan ko nun hanggang ngayon hirap na ako matulog. May mga nakalagay naman na bawang at rosary sa bintana ng kwarto ko kaso wala kase akong kasama sa room kaya natatakot padin ako
Maglagay ka sis ng bawang at asin sa may bintana mo. Ganyan ginawa ko para mapanatag ako haha kasi inaswang din ako nung buntis ako. Though di ko alam kung bumaba na sya sa bubong kasi semento bubong namin, ramdam ko na nasa labas lang sya kasi sobra kong init na init tapos si baby ikot ng ikot sa tyan ko. Sabi ng mother ko ganon din nararamdaman nya pag inaaswang sya nung pinagbubuntis nya pa ko.
ganyan din po ako 2nd month- 7mos tummy ko lagi my pusa s bubong sobrA kla mo masisira bubong nmin s lakad at pagkamot nya sa dingding, tpos isang gabi sobrang init tumayo ako para umihi kitang kita ko na aso papasok na sa pinto nkakapagtaka kasi wala nman daanan sa taas ng bahay para makaakyat sya nung ginising ko mama ko nawala n lng bigla ng walang ingay o bakas
Hala katakot naman
dati po, may sabi2 sa amin dito na may gumagaLa na mag-asawang aswang. mag-isa lng akong natutulog sa kwarto kasi nasa malayo ang husband ko. ang ginagawa ko tuwing gabi,iniisip ko na matapang ako alang2 sa baby ko. minsan nanunuod po ako ng funny videos bago matulog para maalis sa isip ko yung takot. Nakikinig din po ako ng hillsongs hanggang sa makatulog.
Same tau ng naranasan sis..magigising ako ng 1am..then,makakatulog na ako ng 4:30am..hirap, kinakabahan, at takot na takot ako. Nagkwento ko nga sa family at sa partner ko. Paranoid na daw ako. Kaya gingwa ko Habang Gising ako. Nagpray at kinakausap ko si Lord always. 🙏God is good all the time👆😊 Nung 3 -4 months pa ako...
same po nung nandito pa si hubby paranoid lang daw ako nakakainis haha. pero di talaga ako makatulog pag ganun konting kaluskos gising ako agad. hindi naman ako natatakot para sa sarili ko e kundi para sa baby ko
Simula nung nag 36 weeks ang tiyan ko napapadalas din ang pagkaluskos ng bubong namin, tapos sa may bandang kwarto talaga namin ng partner ko. Tapos pati ang pinto minsan may kumakalabog. Tapos yung auntie ng asawa ko may nakitang dalawang pusa na napasok sa bakuran namin tapos nag s-stay sa labas ng kwarto namin, yung isa sa pusa itim
Nakakatakot naman po tong aswang aswangan n to. 😱😱😱 Prayers po everytime n may ganyan kang feeling. And ung Holy Bible kung merun po kayo itabi mo s pagtulog. Tapos ung iba comment jan gawin nyo po ung s asin, black cloth, pati bawang sundin mo nalang po wala naman mawawala. Sana umalis naman n cya kung merun tlaga jan s inyo.
dalawang bahay na po ang nalipatan namin e gabi gabi may ganun 😭
Same din po may ganyan din nangyari sakin nung preggy pa ako mas alisto ako sa gabi di ako makatulog ng maayos idlip idlip lng kasi feeling ko may tao sa bubong namin ginawa ni mama naglagay sya ng bawang at asin sa paligid ng higaan ko at pati sa damit ko palagi may nakasabit tapos bago matulog ititihaya ni mama ung walis
Same tayo sis, inaswang din ako dito nung nagbubuntis ako 4 months palang yung tummy ko, hanggang sa nilagyan ng hubby ko ng live wire sa itaas ng bubong kaya hanggang ngayon 37 weeks na hindi na ako inaaswang, wala na akong naririnig na may naglalakad sa itaas ng bubong namin safe na kami ni baby. 😊👶🏻💕
ganyan din ako sis . kaya nag sabit ako ng asin bawang at makabuhay sa dapat ng higaan ko . chaka pag may naririnig ako ng kakaiba sa bubungan ko . tinataboy ko . minsan gumawa pako ng patpat na may kutsilyo sa dulo para pan tusok ko sa kung san may parang nag lalakad ng mabigat tapos minumura ko . at lagi ako nakatagilid matulog .
ganyan din po ginagawa ng father ko kinakausap niya na di siya papadaig sa aswang na nakapaligid samin hehe
Abigail Amante