Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Di po ako masyadong naniniwala dyan, preggy din po ako now halos gabi gabi laging naka bukas yung bintana namin dito sa apartment kasi lagi akong iniinitan at hirap makahinga. Di naman po ako matatakotin kasi kung meron mang ganyan alam ko andyan si papa God para gabayan kami ni baby.

5y ago

Thank you. Ikaw din po😊

experience ko din po yan sa ngayon..bigla nlng po ko mgigising sa gabi..plgi kc ako nkakarinig ng kaluskus sa may tapat ng higaan ko..hinde na ako mkatulog kc pinapakiramdaman ko nlng mga susunod n mangyayare..mga 3 to 4 am na ako nkakatulog..hinde kc pangkaraniwan ung mga yapak sa bubong..

Truelaluuu po. Since last week lagi may naglalakad sa bubong namin which is yero lang naman so rinig mo talaga pag may naglalakad. Tas the last time sinaway sya ng asawa ko saying na hindi sya welcome sa bahay namin. After magsalita ng asawa ko pusa yung nag meow sa taas.

Yes po hirap nga matulog sa gabi kasi mag isa lang ako sa kwarto ko minsan 3—4am na ako nakakatulog sa sobrang takot ko at pati siguro baby ko natatakot kasi lago siya sumisipa sa tiyan pag may naririning akong kalabog sa bobong namin huhu nakakatakot talaga😩

yes na experience ko rin yan sis, , 7months nko nun kay baby ko.. tapos sabi ng mister ko, maririnig daw sya di sya mapakali.. kaya nilagyan nya ng king ano anong pangontra yung palibot ng bahay nmin para safe kmi na mag ina nya 😉

Kahit po sa city may aswang?? Natatakot tuloy ako mag isa lang kasi ako sa kwarto nag boboard lang kasi ako, dito din kasi yong work ko eh, yong lip ko naman linggohan ang uwi. So ayon mag isa lang ako dito. 25 and 2 weeks pregnant.

5y ago

Kaya nga po sis eh, gabi gabi ako nag ppray kasi nakakatakot talga kong totoo man na may aswang.

Panangga po sa mga ganyang element.. Bawang, asin, ginger at isang stick NG pospro.. Balot nio po sa isang itim na tela.. Maliit lng po, dalhin MO kahit San ka mag Punta.. Or cover MO tummy NG black na tela pra d Nila maamoy.

5y ago

Damit na red.. Di. Lagay ka NG asin sa bintana MO saka bawang.. Mag tabi ka NG walis tinting ksi ako nung inaaswang ako ganyan ginagawa ko Lalo pang nigth shift si hubby ko.

sampu kami magkakapatid pero wlang aswang2 na na experience nanay ko.. kahit ako na nka tatlo na.. magdasal po kau pra maliwanagan pag iisip nyo wala nman tlgang mga ganyan2 e 2020 na at magbalik loob kau

5y ago

Ano naman kinalaman ng "pagbabalik loob" sa mga aswang? 🤣

Pulang tela sa tiyan mo mommy, tapos budbod ka asin sa bintana, magtabi ka ng bawang at anything sharp. Ganyan pinagawa ng mama ko hanggang ngayon may kutsilyo sa ilalim ng bed namin ung madaling niyong makuha..

5y ago

Totoo mumsh lalo pag wala ka kasama hehe..

ginawa ko nun inaswang ako nung duty ako, ung walis tingting pinatayo ko sa pinto para matakot daw ang aswang, tapos magtabi ng 3 pirasong walis tingting na nakatali ng pulang ribbon, itabi mu pagtulog mu.,