35 Replies
Wala naman po masama mag ingat sa mga masang elemento or kung ano.. Pero based sa experience ko wala naman multo or aswang nung nag buntis ako kase mainit po talaga pakiramdam pag buntis kaya wag po masyadong makapal ang isusuot at kaya pinapayo din na dapat laging hydrated po kayo. MAGDASAL PALAGI at mag-iingat
Mainit po talaga ang katawan ng buntis. Ako din sa gabi hanggang madaling araw init na init ako kahit naka aircon pa kami. Yung asawa at anak ko balot na balot ng kumot samantalang ako ayoko mag kumot, minsan pinapawisan pa ko. Nakatapat aircon sakin para makatulog ako
Suot ka mommy ng black underwear or damit. Sabi kase ng mom ko na laking province, hindi nakikita ng aswang si baby pag naka black ang buntis. Di rin ako naniniwala pero sinunod ko nalang din sya haha also lagay kadin bawang and asin sa bintana and pinto nyo.
Momsh totoo yang mga aswang. Maski ako preggy, nakarinig na din ako ng mga ganyan. Pati mama at papa ko. Naririnig din nila kaya pinaglalagay nila ako lagi ng walis tingting sa kwarto ko lalo ako lang mag isa matulog.
Noon po hindi ako naniniwala. Pero kagabi lang po sakto 12am may parang mabigat na naglalakad sa bubong ng kwarto. Buti gising pa kami ng asawa ko. Lumabas si hubby para tingnan, wala sya nakita. Katakot.
Mainit tlg katawan ng buntis, sa office lahat ginaw na ginaw na sa ac ako hindi. Tska ewan lang ha., hnggat wala pa kong nakikita di ako maniniwala. Mga kasabihan pa kasi un ng mga matatanda.
Hindi ako naniniwala pero yung byenan ko sabe maglagay kame ng asin sa bintana so ginawa na lang namin. Lage lang tayo magpray mamsh para sa peace of mind natin.
I dont believe sa mga ganyan kase di ko pa naexperience and kahit my kumalampag pa sa bubong namin di ko naman naiisip na aswang un mastress lang ako kaiisip
Nung una rin hindi ako naniniwala pero nung naexperience ko saka lang naniwala na totoo pala talaga at hindi lang sa province may ganon meron din sa city
Pray lng. Lalo na bago matulog. Kmi ni husband nagrorosary kmi every night before going to bed. Mas malakas c Jesus kaysa kung anong elemento yan.
Shamarie Dequit Labid