Mommy Debates
Naniniwala ka ba sa USOG?
Big NO. Mas naniniwala ako sa doctor at sa sakit na napag-aralan na and may scientific basis. May mga babies na napapahamak dahil sa mga tulad nitong paniniwala na dahil sa sabi-sabi lang ng mga matatanda,instead dalhin sa doctor,pinapa hilot or pinapalawayan lang. And sa mga ngsasabi na kasi na experience na yan ng matatanda,etc. please keep in mind na nung panahon ng lolo/lola or parents natin, hindi pa gaano ka researched or di pa masyadong advanced medically. And keep in mind also na may tinatawag na mutations ang mga viruses and bacteria,maybe mas potent or stronger sila kaysa nung una. No offense meant to mommies na naniniwala sa Usog2 na yan,your child,your rule pero please prioritize your child's health kaysa sa mga sabi-sabi lang.
Magbasa paYes! Dati hindi ako naniniwala ayoko nga nilalawayan yung anak ko non kasi nga ang turo ng mama ko baka dun pa sa laway makakuha ng sakit ang anak ko Pero last year lang nung may bumati sa kanya na malakas pala ang usog yun suka na ng suka at tae.. Nagiging ok pero nanghihina na sya sa suka't tae.. Dinala pa nmen sa E. R pero lahat ng lab nya normal naman Mabuti na lang naisip ko na may nakabati sa kanya kaya dinala namin agad sa tao na yun khit di nmen personal na kakilala.. Nung nalawayan sya sumuka isang beses na lang tapos ayun ok na sya.. Sbi nga ng iba ang usog daw nakakamatay
Magbasa paoo...kc dati may bata akong nausog, ung nanay nun, di paniwalain kagaya ko...nakita ko cya at binati ko pati ung baby..kinagabihan, inaabangan pala nila ko sa bahay kc ung baby daw eh fuzzy at iyak ng iyak..na try nila lahat ng home remedies di umubra. sabi daw palawayan sa nakausog. eh ako lang daw bumati sa baby. ayun nilawayan ko pero deep inside di ako naniniwala and i advised them na ipadoktor. kinabukasan, sinabihan ako na ok na ung baby, after ko malawayan kaya since then, di na ako palabati ng baby kc bka maulit.
Magbasa payes po, ako mismo nka experience ng nausog, kala ko date kalokohan lng un. pero nung tinamaan ako grabe pla pakiramdam, what more p sa baby qng sila tamaan sobrang sakit na dmo alam pakiramdam mo. para kng lalagnatin na nahihilo tas masakit ang tiyan parang nadudumi pero walang nmng lumalabas at pinapawisan ng malamig , biglaan lng tlga cya darating sayo. nagpahilot ako sa tao n nka usog sakin after ilang mins lng nawala lahat ng masamang pakiramdam ko. kya naniniwala tlga ako.
Magbasa paYes. Nangyari sakin nung elementary ako. Sa school mismo habang naglalakad lakad bigla na lang sumakit tiyan ko pero di ako nagtatae, pinagpapawisan, namumutla na halos hihimatayin na tapos my biglang lumapit sakin na babae, nausog daw ako. Bigla niya ko dinilaan tapos after ilang mins nawala bigla nararamdaman ko.
Magbasa payes po kasi usugin ako.. madalas mabati ng ibang tao tpos ilang oras lng di na ok pakiramdam ko.. pinag papawisan ako ng malamig at butil butil suka at hilo nararamdaman ko.. pero ngayon hndi na kasi sbi ng asawa ko pag may bumati dw skin kontrahin ko agad cnasbi ko na "pwera buyag.." ok nman natalab haha 🤣🤣
Magbasa paHindi po. Just sharing our neighbour experience, their months old child got hospitalized because of TB, originally caused by Usog according to the doctor. So, take extra cautious and ARTE when someone cuddles YOUR little one. Laway is so expensive this time! 👌
No. Kahit nung bata ako ayokong lalawayan ako, nandidiri ako. Tapos bawal tumanggi 🙃🙄 Now na may anak na ko masmahigpit ako sa ganyan, kahit himas kung hindi naghugas ng kamay, no talaga. Wag na nilang subukang lawayan, baka gantihan ko sila char 😂
yes po. nkakaloka ilang beses ako nauusog . sabi ng lola ko kpag nausog ng hndi kakilala pakuluan ung damit mo na suot ng araw na nausog ka. or buhusan mo ng mainit na tubig. at nxt time mgssabi ng pwera usog.
Noon naniniwala talaga ko kasi naexperience ko sa 1st baby ko nausog sya, nagsusuka talaga sya then nung napalawayan ko na talampakan nya huminto naman na. Kaso ngayon hindi na, simula nagkaroon ng covid.