Ano ba talaga ang TIKTIK?

Naniniwala ba kayo sa Aswang/Tiktik ? Share ko lang kagabi bandang alasdose nakarinig ako ng kalabog sa likod ng bahay namin . Tapos nakakwentuhan ko ngayon yung katapatang bahay kong buntis din . Parehas kami na nakaranas ng dalwang beses na kalabog sa bubong . Sabi naman nung katabing bahay nya hindi rin daw makatulog kagabi dahil nakakarinig sya ng pagaspas sa bubong . Totoo bang may mga ganun pa ? Any pangontra na masheshare kung may ganun pa ?

79 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

moms sakin parang true kasi twing naliLigo ako mey naglalakad sa bubong ndi ko alam ndi naman pusa un kasi mabigat un yabag e. tas ayun nga naggcng dn ako twing 2 o 3am. nakkatakot ako lang mag isa dto sa house. pero naglagay nako ng bawang at asin sa mga bntana. at makaDiyos dn naman ako sana lumayo un mga bad spirits or aswang tiktik whatevs. ingat po sa lahat❣️

Magbasa pa

Yung iba hindi naniniwala pero ako proven na everytime na buntis ako ganun palagi and may time pa na talagang nasa tapat ng bubong ng higaan namin..ang ginawa ko po is naglalagay ako ng asin at yung bawng na nabalatan lang para malakas po amoy nya and saka ko po tinatahi at naka lagay palagi sa bulsa ko or bag ko..mabaho po ang amoy pero yun po yung ayaw ng tiktik

Magbasa pa

Totoo daw yan. Kwento ng mama ko nung pinagbubuntis sya ng lola ko sa probinsya pa yun, sinabihan sya(lola ko) ng kaibigan nya "magsuot ka ng itim(panloob at panlabas) nakikita ko beybi mo" sinunod yun ng lola ko. Ngayon na ako naman ang buntis hindi ako pwedeng matulog ng magisa na nakatapat sa pinto or sa bintana ang paanan ko, delekado daw.

Magbasa pa

totoo po yan, nung sa unang baby ku nakita po mismo ng kumare ku yung umaaswang saken, mabalahibo daw po at pulang pula ang mata, sabay yung mga alaga namen aso nakabahag yung buntot sa takot, nag ala pusa pa daw yung aswang, ? natakot tuloy aku, wala pa naman hubby ku ngayun ? 4months preggy pa naman aku ??

Magbasa pa
VIP Member

Oo ! Proven! Tanginang mga yan inaaswang ako gabi gabi mumsh taga san kaba ? Mga salot yan mga hayop kapit bahay namin nakunan 6 months ang sunog ng bata as in wala ng tubig sa tiyan ang buntis namatay ang bata ! Yung nanganak nama pag labas ang bta di na humihinga ang itim inaamuy amuy nila

Ako po nanaginip ng aswang, 4 na floors kaso tong bldg nasa 1st kame kaya d ko marrinig kng nasa bubong man sia wala dn kaming bintana hehehe pero minsan sobrang ingay ng mga pusa namin sabe sa baka daw kakaisip ko lang kaya napanaginip ko per nagtatabi akong rosary lagi sa unan

ako po siguru nniniwala din kase nung nakaraang gabi my kumalampag sa bubong namin natakot nko dnako makatulog pero my suot nmn po akong pangontra araw mN o gabi lagi nakalagay sa damit ko . ung pangotra ko is ung bracelet lang ng baby tapos my pula n kasama

Kahit po b malaki n nag tyan, inaaswang padin po b mga momshie?? Kala ko kc 1st and 2nd trimester lng, yun daw mabango n period sa mga aswang ... Pinagtatanggal ko pa nmn mga bawang sa bintana kc dry na .... Magisa p nmn ako dito sa bahay plagi

VIP Member

ako po natulog pa ako sa terrace namin sa 2nd floor open area pero may kulambo haha wala namang weird na narinig or nakita, brownoit pa non for me di ako naniniwala, pero nagdala asawa ko ng bawang at pusa namin sa terrace haha may aso pang kasama

4y ago

Takot po kasi sila s kulambo mamsh kasi di daw sila makakalabas jan pag naka pasok sila sa kulambo un namn haka2x ng matatanda sa amin

When I was 10 years old nakakita ako nang manananggal. Hindi ko alam kung may pinagkaiba sa Aswang or Tiktik yon. Thank God wala naman akong nararamdaman ngayon na ganon. Naglagay na lang din ako nang bawang sa bintana para sure ???

4y ago

Hala totoo po?