Ano ba talaga ang TIKTIK?

Naniniwala ba kayo sa Aswang/Tiktik ? Share ko lang kagabi bandang alasdose nakarinig ako ng kalabog sa likod ng bahay namin . Tapos nakakwentuhan ko ngayon yung katapatang bahay kong buntis din . Parehas kami na nakaranas ng dalwang beses na kalabog sa bubong . Sabi naman nung katabing bahay nya hindi rin daw makatulog kagabi dahil nakakarinig sya ng pagaspas sa bubong . Totoo bang may mga ganun pa ? Any pangontra na masheshare kung may ganun pa ?

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

moms sakin parang true kasi twing naliLigo ako mey naglalakad sa bubong ndi ko alam ndi naman pusa un kasi mabigat un yabag e. tas ayun nga naggcng dn ako twing 2 o 3am. nakkatakot ako lang mag isa dto sa house. pero naglagay nako ng bawang at asin sa mga bntana. at makaDiyos dn naman ako sana lumayo un mga bad spirits or aswang tiktik whatevs. ingat po sa lahat❣️

Magbasa pa