Ano ba talaga ang TIKTIK?

Naniniwala ba kayo sa Aswang/Tiktik ? Share ko lang kagabi bandang alasdose nakarinig ako ng kalabog sa likod ng bahay namin . Tapos nakakwentuhan ko ngayon yung katapatang bahay kong buntis din . Parehas kami na nakaranas ng dalwang beses na kalabog sa bubong . Sabi naman nung katabing bahay nya hindi rin daw makatulog kagabi dahil nakakarinig sya ng pagaspas sa bubong . Totoo bang may mga ganun pa ? Any pangontra na masheshare kung may ganun pa ?

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Totoo daw yan. Kwento ng mama ko nung pinagbubuntis sya ng lola ko sa probinsya pa yun, sinabihan sya(lola ko) ng kaibigan nya "magsuot ka ng itim(panloob at panlabas) nakikita ko beybi mo" sinunod yun ng lola ko. Ngayon na ako naman ang buntis hindi ako pwedeng matulog ng magisa na nakatapat sa pinto or sa bintana ang paanan ko, delekado daw.

Magbasa pa