37 Replies
I remember everything. 9-9-21 @4am pumutok water bag ko(36weeks&1daypreggy) 5am nakarating ng ospital. before 7am pinasok na ako sa delivery room 2 hrs labor. hilab na ng hilab puson ko sabi ng nurse at OB ko humiga ako kaso di ko talaga kaya humiga. sabi ko na lang na upo na lang ako kasi parang na poops na ako. ayoko ma wala sa tabi ko OB ko kasi pag lumalabas sya ng pinto todo hilab ng puson ko kaya nakukurot ko na sya 😁🤦♀️. Tapos dinala na ako sa operating room sabi ng OB wag muna ako e ire ililipat ako ng higaan hingang malalim daw muna kaso gusto na talaga lumabas ni baby(9:50 am/2hrs Labor) sabi ko randam ko na sya nag request na ako painless Tapos Tina wag na ibang nurse at doctor. pagbukaka ko tanaw na nila si baby bago pa iturok sa akin yung painless unting push lang lumabas na si baby (nakaupo ako ng nanganak) nung lumabas na si baby ni lagay sa akin Tapos kinuha na ng mga nurse tinimbang at pinunasahan. Tapos next na inalis sa akin placenta ko (doon na lang tumalab yung painless) kasi nakatitig lang ako sa mga doctor at nurse. after non shutdown na ako na gising na lang ako uli pero groggy pa kasi may pinapa pirma sa akin yung nurse sabi ko di ko pa kaya mag pirma(pero tingin ko sa nurse 3 na sya at literal na umiikot paningin ko) Tapos medyo na gising na ako ni lipat na ako sa room kung saan waiting partner ko
di ko makakalimutan yung moment na nanganganak ako tumingin ako sa part na door ng delivery room since hinahanap ko nga asawa ko dahil sobrang nasasaktan na ko feeling ko, para relief lang kaso ang eksena nakatulog ako tapos ang scene white background yung parang sa movie, na all white yung place tapos hospital set-up, tapos yung nakatayo dun sa pinto na ineexpect ko asawa ko makikita ko, batang lalaki nakatayo dun then nung lalapitan ko, tumatakbo , hinahabol ko daw siya sabi ko sandali lang. Hanggang sa ginigising ako ng mga doctor and nurses na gumising daw ako wag daw ako makatulog. Ang weird lang nung moment na yun. Until now iniisip ko kung ano yung eksena na yun. Kala ko nasa langit na ko nung time na yun. 😅
Happened with my 3rd baby. So ang regular check up ko noon is sa Fabella Hospital, EDD ko that time is Dec 5. Nov 23 need namin pumunta ng Las Piñas para mag asikaso ng mga importanteng papers. Nov 24, nag aasikaso na kami para umuwi nung naramdaman ko na naglelabor ako. Wala kaming dalang gamit ng baby, so habang naglelabor ako, naghanap kami ng pwedeng bilhan ng gamit ng baby at kung san ako pwede manganak 😅 Nakamotor pa kami nun, so imagine, naglelabor ako habang naandar yung motor 🤣 Pinagtitinginan ako ng mga tao sa dept store na pinuntahan namin kase sobrang in pain na talaga ako 😂 Buti na lang may malapit na lying in dun sa dept store na pinuntahan namin at tinanggap ako agad 💗
Pinakaweird ay yung binuhat ako ng dalawang nurse ata yun papuntang delivery room 😅 di ko alam na ganun pala yun. Parang gusto kong sabihin na kaya ko pa po maglakad 😅Kaso hindi, relax lang daw ako. Hahaha ang bigat bigat ko pa naman. kakahiya mamsh. Tapos nung nag cs na nga ako, (dahil walang contractions eh 48hrs na magmula nung pumutok ang panubigan ko) nakatulog lang ako tapos ayun, nanganak na pala ako. 😂 Bangag pa ko nun at nginig na nginig di ko alam kung bakit. Grabe ang kapangyarihan ng epidural. Super painless. 😂
Takot talaga ako sa hospital lalo na sa injection 🤣 kaya di talaga ako magpaturok ng epidural..mga momsh ramdam na ramdam ko ang sakit..every hilab sumisigaw ako..Naninigas na yun kamay ko kakasigaw..tapos tagal dumating ng OB ko..nun nasa delivery room na ako pagod na pagod at antok na antok na ako 8hrs ata ako nag labor..nun lumabas si baby nakatulog ako ginising lang ako para padedein si baby..nun nasa wards na ako gulat si hudband parang paralyze half face ko. yun pala nagka bellspalsy ako..after 3mos unti unti gumaling...
sa panganay wla nmn madali lng sa pangalawa madali lng din nmn lumabas kaso nung nasa delivery room ako biglang nag cramps Binti ko Hanggang paa tpus Nung nawala sa kabila nmn Hindi ako nasaktan sa pag iri natuwa nga nagpanganak sakin dhil sa liit ko Kya Kong mag normal mas nsaktan ako sa cramps na nangyare sa Binti ko Kasi nawala ung pang pwersa ko para humugot Ng lakas pero kahit nag cramps leg ko tuloy pa din mas iniisip ko ilabas baby ko dhil kung Hindi bka may mangyare na masama o di Kya I cs ako !
Oo dahil ako lang mag isa manganganak sa lying in kasama ko hubby ko at isang midwife. Habang naglalabor ako sa palibot ng receiving room akala ko natatae ako sabi ko sa hubby ko na wag mokong hawakan at natatae na talaga ako at nakaquat ako noon umiri ako at taeng tae na talaga ako. Yun pala lalabas na sya at lumabas nga buti nalang kamo nasalo ko sya sa duster ko 🤣🤣 Tarantang taranta ang midwife d na ako umabot sa delivery room at ako na nagpaanak sa sarili ko 🤣🤣
After ko maire si baby ko at nilinis nila ng bahagya. Nag picture sina Doc at mga nurses. Ako na sobrang bangang na hindi ko rin alam kung kasali pa ba ako, itinaas ko yung kamay ko at nag peace ✌🏻 sign. May pagkaweirdo na talaga ako in my normal days pero hindi ko akalain na pati sa pagkabangag ko sa panganganak eh magkakalat pa ako 🤦🏻♀️🤣🤣
Yung ang tapang ko mag sabi kay OB na kaya ko i normal si baby kaya pinag labour nya ako pero in the end ako na ung nag mamakaawa na i CS na ako kasi di ko na kaya hahah ung pain kinaya ko e kaso hindi talaga nalabas si baby kasi maliit sipit sipitan ko🥺🤦🏼♀️ pero thankful pa din ako atleast naranasan ko both mag labour and ma CS😊
Nahimatay ako at tumaas blood pressure ko habang naire. After 2 hrs nagising ako then tinawag ko yung Nurse tinanong ko kung nanganak na ba ako ? Kung normal ba o cs . Para kasing may nagalaw pa sa tyan ko nun nagtawanan yung mga nurse pati doctor ko ako lang daw nanganak na hindi alam na nanganak na pla . Normal delivery painless here.