Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen of 5 wonderful babies ?
34 WEEKS, OPEN CERVIX
Hi mga mommies! Kakauwi ko lang from check dahil ilang araw na tumitigas and sumasakit ang tyan ko and ang sabi is 1cm na daw ako. Sa mga nanganak po ng 34 weeks lang, kamusta naman po si baby nyo paglabas? Na incubator po ba, if yes, gano po katagal? Nag woworry kase ako 😔 Thanks mga mami
38 weeks and 4 days
Hi mga mommy. Ask ko po sana dito if may katulad sakin dito na nagtatae? Normal lang po ba yun? 38 weeks and 4 days na po ako ngayon. Not a ftm pero diko po naranasan to sa prev pregnancy ko. Salamat po
COLD MEDICINE
Hi mga mamsh! Anyone here na may alam kung anong cold medicine po na pwede ko inumin? Di kse pwede neozep for breastfeeding moms. Salamat po sasagot ?
THE BABY IS OUT! ?
Maria Hazel Sofia ? Delivery Date: Nov. 24, 2019, 1:31 pm EDD: December 05, 2019 Nakaraos din sa wakas kahit super biglaan! HAHAHAHA ? Wala kaming kahit anong gamit ni baby na dala ? Naghanap pa kami ng mabibilhan ng kahit ilang pair lang kahit masakit na tiyan ko ? Nov. 23 ng umaga nagbyahe kami papuntang Las Pinas from Tondo para mag asikaso ng mga important papers. Nov. 23 ng gabi, nag samgyup pa kami ? Nov. 24 ng umaga, parang masakit na nangangalay yung likod at balakang ko pero diko pinansin. Hehehehe. Then maya maya panay ihi nako at tumitigas na tiyan ko, so kinutuban na ako ng beri beri layt. Ginising ko si husband para pumunta kami sa ospital na malapit para sana magpacheck lang. So yun, IE , 4cm na daw kaso inadvice pa ako ng doctor na pumunta pa sa ospital kung san ako regular nagpapacheck up which is sa Tondo pa. So naghanap kami ng lying in na malapit kasi alam ko di ako aabot kung bibyahe pa kami. Pagdating namin sa lying in (around 12pm), diniretso nako sa delivery room. Pag IE sakin, 7cm na agad. So pinutok na nung midwife yung panubigan ko. 1:31 pm, lumabas na si baby ? Thank God at mabait yung mga staff sa lying in na napuntahan namin at tinanggap ako kahit wala akong record or check up sa kanila at tanging ultrasound lang ang dala ko. Lesson learned: Laging dalhin ang mga gamit ni baby lalo pag malapit na ang DD. Or as much as possible, wag ng magbyahe ?
FORMULA MILK
Hi mommies! Ask ko lang po sana if ano pwede mangyari if maling formula milk ang naibigay kay baby? 11mos pa lang kse si baby ko, turning 12mos this Oct. 26. Pang 1-3 y.o na formula milk po kse yung naibigay sa kanya instead na pang 6-12 mos. Worried lang po kase ako baka magkaroon ng problema si baby ko. Thanks po sa sasagot.