PRANING LANG BA? O HINDI NA TALAGA AKO MAHAL NG LIP KO?

Nanganak ako last October, share ko lang kasi baka praning ako at epekto ito ng post partum. 1.Parang nag-iiba yung trato sakin ng asawa ko, kakabalik ko lang sa work this feb, gusto nya ako pa lahat ang gumawa ng gawaing bahay, magluto, maglaba, magligpit at ipag hain pa sya parang wala na syang pakealam kahit kulang ang tulog ko o napapagod ako. 2. Magtatanong ako ng maayos pero sasagot sya ng pabalang/paaingil parang nakakabastos na sa part ko. 3. Hindi na nya ako niyayakap, hinahalikan unless gusto nyang may mangyari samin. 4. Pag ayaw kong may mangyari samin bad trip sya sakin, hindi ako papansinin at mararamdaman mo talagang galit sya. Minsan iniisip ko gusto lang nya akong lambingin kasi gusto nyang kumamot ng kati nya. Naiiyak ako tuwing ginagawa nya yun halos araw-araw... Ang sama ng loob ko sobra. 5. Lagi lang nyang hawak phone nya, minsan pag rulog sya hawak nya parin pag paapusugin ko sya itatago nya phone nya sa ilalim ng unan nya, nagdududa ako lalo at nadadagdagan lalo ang pagkapraning ko. 6. Pag nagalit ako, galit din sya. Hindi na gaya dati na sinusuyo nya ako at pinagsisilbihan. 7. Minsan pag sasabihin kong magyakapan kami ang dami nyang dahilan kesyo nangangawit daw sya etc. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiisip kong iwan sya kasi ayaw ko ng ganitong pakiramdam na ayaw sayo ng tao tapos isisiksik mo parin sarili mo ? Ano po kaya maipapayo nyo?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Obviously, base sa kwento mo po meron talagang pagbabago. Tanong mo sya directly ano yang nakikita mong pagbabago nya, saan galing, anong ugat. Talk slowly & calmly, wag mo sya i-bombard ng question. Tell him u are asking because you care and you love him, mga ganong attack. You know him well, so u know how to best approach him.

Magbasa pa