nightmare or may masakit

Nananaginip ba ng masama ang baby? Ganito kasi yun.. Yung baby ko madalas talaga magkatopak pag umaalis kami tapos pag uwi sa gabi umiiyak sya at medyo mahirap patulugin. Kanina umalis kami at ok na ok naman sya pag uwi hanggang nakatulog na. Tapos kanikanina lang, nagising sya umiiyak so ako hinele ko, makakaidlip sya tapos pag ilalapag ko iiyak ulit. Tapos pinalitan ko ng diaper kasi nagpoops pala so sabi ko ah kaya nagising ng naiyak. Nung napalitan ko na, hinele ko na ulit at nakatulog tapos nung ilalapag ko umiyak ulit. Edi tinatapik tapik ko na lang tapos umiiyak pa di ayaw tumigil so nagising asawa ko at sya nagbuhat para ihele, tapos ayun mas lalong lumakas yung iyak at nagsimula na syang tumili na hindi naman nya ginagawa kahit umiiyak sya sa umaga. Syempre bilang nanay nag alala ko, sabi ko parang iba naman. Nagtimpla ko ng gatas nya tapos pinadede ko kasi iyak ng iyak. Dumede naman ng humihikbi tapos nung inalis ko yung dede para punasan yung natatapon sa pisngi nya, nag iiyak ulit at ayaw na dumede. Iyak na sya ng iyak ulit at tumitili. Takot na takot ako na baka may masakit. Nilapag ko sya tapos chineck ko kung may kagat ng langgam or lamok or kung may mapula, wala namang kakaiba. Wala din sya lagnat pero ayaw tumigil kakaiyak. Dinala ko sya sa kabilang bahay, sa ate ko tapos iyak pa din ng iyak at ayaw pabuhat sa iba. Bumalik kami sa bahay, naiyak na din ako sa sobrang pag aalala. Tapos kinakausap ko sya habang umiiyak. Nagdadasal ako. Hanggang tumigil sya at nakatulog habang nahikbi. Tapos ito nagising ulit umiiyak pero saglit lang nakatulog ulit. Ano po sa tingin nyo?

9 Replies

pag sobrang active po talaga si Baby during daytime may tendency po talaga na maligalig sila.sa gabi. try nyo po na magkaroon ng consistent bedtime routine. like samin po ni baby ko, before po sya mag sleep sa gabi nag warm bath po muna kami and then after nun massage po ng very light lang. tapos mag dede na sya and konting bonding before mag sleep. okay naman po sleep nya sa gabi. mahimbing naman po

ganyan ganyan din baby ko ngayun ngayun lng gabi sobra kaming nag aalala dtu lahat ung pag iyak nya takot na takot na bigla nalng sya umiyak na di nmin maintindihan habang nattulog kaya sobra nag aalala kmi na baka nga nanaginip ng hindi mgnda o bka may masakit sa knya kya nagdasal ako 😢 parang ayuko na matulog sa sobrang pag aalala ko ngayun

meron po kame ginagawa pag umaalis kasama ang baby, pag pauwi na binubulungan namen ng 'uwi na baby, uwi na (name ni baby)' para daw di nagloloko ang baby pag uwi sa bahay. may kasabihan kasi samen na magwawander daw at parang naiiwan yung wisyo ni baby sa lugar kaya dapat pauuwiin mo. kung manjniwala ka lang po. effective samen yan

try nyo po check lalamunan.. baka namumula or singaw. nasanay po sa hele kaya hinahanap hanap. pag nilapag umiiyak try nyo na ihiga lang taz magpatugtog ng relaxing sounds. sa una iiyak lang talaga yan.. pero makakasanayan din nya

bKa nman po may kabag si baby ,prone kc s kabag ang mga babies ...ni check niyo Sana Ang bonbonan kung malalim or ang tiyan ni baby kapag ni press po ito ..iyakin tlga sila pg may masakit sa kanila

VIP Member

Ilang months napo ba sya . Baby ko gnyan dati pero di naman po sya umiiyak ng todo . Pag nag aadjust po ng tulog ganyan po sya . Yung ginawa mo na lahat umiiyak at di padn makatulog .

yung anak ko din ganyan sis as in d na namin alam gagawin. tapos tinapat namin sya sa aircon, tumigil. baka po naiinitan sis.

Baka di lang talaga komportable pag d ka katabi momsh.. Gabi2 po ba ganyan?

Kagabi lang po nangyare

Up

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles