Masamamg kutob

Nanaginip ako kagabi na may karelasyon asawa ko sa ofc. Naalimpungatan ako sa sobrang galit. 5am yun. Kinuha ko phone niya para icheck. Nagising siya. Sinundan niya ako hanggang banyo para kuhanin yung phone niya. Nagalit siya sakin dahil bakit wala daw ako tiwala. Actually weird kasi never naman ako nagcheck ng phone niya. Ngayon lang kasi iba talaga kutob ko. Buong araw kanina, hindi niya pinakawalan phone niya. Kahit mag CR, maligo. Ayaw niya bitawan. Tuwing lalapit ako kala niya kukunin ko. Parang gago. Inaway ko na talaga siya. Dahil kung wala siyang tinatago bat sobrang defensive niya. Imbis na iassure niya ako na wala siyang babae, siya pa galit. Tama ba na magalit ako sa kanya?

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy kung hindi yan nagloloko he will let you to inspect his own phone . Kasi ang asawa ko ang phone nya laging nasa tabi lang ng higaan . Napakadalang ko hawakan phone nya unless makikitext ako or makikitawag. We dont check each other accounts and phones. He cheated on me once but I give him a chance. Niloko nya ako nung mga panahon na mag boyfriend/girlfrirnd pa lang kami. Until now, he never shows any signs of cheating. Nung niloko nya kasi ako hindi ko sya nahuli pero umamin sya. Kausapin mo asawa mo and ask him if niloloko ka nya. Kung may konsensya naman ang asawa mo aamin yan sayo.

Magbasa pa