Masamamg kutob
Nanaginip ako kagabi na may karelasyon asawa ko sa ofc. Naalimpungatan ako sa sobrang galit. 5am yun. Kinuha ko phone niya para icheck. Nagising siya. Sinundan niya ako hanggang banyo para kuhanin yung phone niya. Nagalit siya sakin dahil bakit wala daw ako tiwala. Actually weird kasi never naman ako nagcheck ng phone niya. Ngayon lang kasi iba talaga kutob ko. Buong araw kanina, hindi niya pinakawalan phone niya. Kahit mag CR, maligo. Ayaw niya bitawan. Tuwing lalapit ako kala niya kukunin ko. Parang gago. Inaway ko na talaga siya. Dahil kung wala siyang tinatago bat sobrang defensive niya. Imbis na iassure niya ako na wala siyang babae, siya pa galit. Tama ba na magalit ako sa kanya?
yung women's instinct ko na tatawagin ay hindi pa ako pinalya kahit minsan.. nakukutuban ko na agad na may something na nangyayare sa paligid ko.. kaya lagi kami nagaaway ng bf ko.. lagi niang sinasabi na wala akong katiwa tiwala sa knya.. turns out.. paglipas lang ng ilang araw.. ilang linggo.. yung proof mismo ang nagwwave sakin.. kaya napapatunayan ko talaga.. last time,, napansin ko laging open yung isa niang account.. 2 accts ang meron sia.. actually 3,, may ig pa kasi sia.. yung main nia sa fb alam ko yung pass nia at sa ig din pero di nia alam na alam ko yung sa ig nia.. so yun nga napapansin ko na kapag nakaoffline nko.. napapansin ko yung isa niang account na nagactive 3 or 4 hrs... before ako nagigising.. so nagtataka nako.. dahil nakakapraning na.. hinulaan ko ng hinulaan ang pass nia.. hanggang one day.. LUCKILY.. nahulaan ko.. at dun ko nakita convo nila ng ex nia.. nakikipaghiwalay nako sa knya.. ayaw nia.. pinakinggan ko naman ang paliwanag nia.. pero syempre yung trust ay wala na.. nakikinig nalang ako pero d naniniwala.. pero ok naman kami.. kahit masakit pinilit ko ayusin para sa baby namin.. ang ginawa nia na lang na pambawi ay,, hindi nia ako pinagbabawalan na buksan ko ang accounts nia anytime.. hindi rin sia nagpapalit ng pass.. ganun fin ako.. alam nia din accounts at pass ko..
Magbasa pawell base of my experienced once na hinde mabitawan ang cellphone meron talaga kaya huwag mona tanungin at paaminin ang husband mo eassume mo na na meron talga siyang tinatago para siya na mismo ang aamin.. ngayon ang tanong kaya mo ba kung meron ngang tinatago ang asawa mo? kung sakali nga na niloko ka niya kaya mo bang manatili sa relation niyo? itanong mo yan mom sa sarili mo kung ano ang mangyayari pagka malaman mo lahat kc believed sobrang sakit mas gugustuhin mo pa na sana hinde mo nalang namalan at iniwan ka nalang. minsan mas tahimik ang buhay kung wala kang nalalaman kung nanatili naman siya sayo at wala naman kayong balak iwanan then huwag mona alamin hayaan mo siya na marealized niya ginawa niya. ngayon kung sakaling hinde mo matanggap at alam mong niloloko ka niya mas maganda na lumayo kana agad no need ng magsigawan kc ikaw lanv din ang masasaktan.
Magbasa paMay tinatago yan sis. Cp namin ni mister naka one tap log in parehong accnt namin. Di namin alam Ang password pero anytime pwede namin mabuksan at Makita messenger. Minsan palit din kami Ng phone Lalo pag may kailangan akong tapusin sa school, phone nya ginagamit ko kasi mas malaki Ang memory nun, ung sakin full na dahil sa games Ng panganay namin. Para sakin normal na dapat may access tayo sa cp ng partners natin. Hindi dahil Wala tayong tiwala kundi dahil dapat walang secrets sa isa't Isa. Yahoo mail ko naka log in sa cp nya Wala Kasi syang yahoo. Gmail nya naman naka log in sakin un din gamit Kong Google accnt sa cp. Lahat pati payslip nya naaccess ko, minsan ako na pinapag check nya :D Sa cp nya daliri ko ung nakaregister sa fingerprint scanner. Anniv namin ung password, tapos mukha nya ung sa facial recognition. Kaya lahat talaga maaaccess ng isa't isa
Magbasa pamay tinatago yan sis, ganyan ang ex ko nun ayaw ibigay sakin 2 phones niya. so nung dumating ung araw na busy siya at ako naiwan sa room niya, chineck ko laptop nia. luckily naalala ko pa password niya at di nia binago so naopen ko.. and dun ko nakita conversation ng SIDE DISH NIYA. so nung bumalik xa sa room, pag open nia ng door, binagsak ko laptop nia at winasak at pinaghiwalay. i make sure na sirang sira.. sobrang sakit nun e, para akong nadaganan ng malaking bato. ilang months na rin ako kinukutuban nun before ko nalaman na may 2nd gf pala xa. at yung girl ndi alam na kami pa kasi ang sinasabi raw sa knya e hiwalay na kami matagal na.
Magbasa paMeron yan mommy. Ako di umaamin sa asawa ko na pinapakelaman ko phone niya pero alam naman namin pareho na pinapakelaman ko talaga 😂 Tinatawanan niya nalang ako minsan. Tapos sasadyain niya pa iwanan phone niya malapit sakin obvious na hinahayaan niyang pakelaman ko. Feeling ko iniintindi niya nalang tska para mapanatag din ako hinahayaan niya ko makealam kahit unfair sakanya yon kasi wala naman talaga siya ginagawa. Napraning lang talaga ko nung nabuntis 😅 Si mister mo masyado defensive ganyan ako pag may tinatago (pero di ako nanglalaki minsan kasi nag oover share ako sa friends ko kaya nahihiya ako baka mabasa niya)
Magbasa paNung ako diko mabitawan phone ko. Di niya makuha or makita. Duda siya selos si hubby ko. Akala niya may iba ako. Pero hinayaan ko lang. Tas nung malapit na monthsary namin pinakita ko yung phone ko. Nag edit ako ng video. Nag hanap ng lumang pic niya at ako. Mga gala namin. Natagalan ako sa edit kasi di ako marunong. And nung nakita ko siya natuwa. Sabi ko di ako mag loloko hanggat alam kong faithful ka saken panghahawakan ko yon. Sana ganun nalang mangyari sayo hindi na pambababae ng asawa mo. Kase mahirap yon (wala papo experience) based lang sa kwento ng pinsan ko na broken ngayon. Takecare po.
Magbasa paMommy kung hindi yan nagloloko he will let you to inspect his own phone . Kasi ang asawa ko ang phone nya laging nasa tabi lang ng higaan . Napakadalang ko hawakan phone nya unless makikitext ako or makikitawag. We dont check each other accounts and phones. He cheated on me once but I give him a chance. Niloko nya ako nung mga panahon na mag boyfriend/girlfrirnd pa lang kami. Until now, he never shows any signs of cheating. Nung niloko nya kasi ako hindi ko sya nahuli pero umamin sya. Kausapin mo asawa mo and ask him if niloloko ka nya. Kung may konsensya naman ang asawa mo aamin yan sayo.
Magbasa paSAME TAYO MOMSH, iisang cp lang gamit namin ni hubby dahil nasira na cp nya kaya hati kami sa cp ko. napapansin ko lang tuwing umuuwi ako sa bahay namin inoopen nya fb nya kaya nagkakachat kami pag nasa bahay ako namin (nakikiopen ako ng fb sa mother ko) tapos pag magkasama na kami sa bahay nila dahil dun kami nag i-stay ngayon di nya binubuksan fb nya, tama ba mag hinala ako o balewalain ko yung ganun, more than 5x ko na syang nahuli na may chinachat na babae at nag sesendan pa sila ng pic sa isat isa.
Magbasa paGanyan din ako sayo sis actually dalawa or tatlong beses kong napanaginipan my babae asawa ko .haha pagkagising sa umaga sinasabi ko sa kanya tumatawa lang siya para daw akong timang 😂always din nasa akin cp niya. Lagi din naman siya nasa bahay since Work at home sila , nung walang ecq naman bahay at work lang siya diretso uwi after work niya. So baka paranoid lang ako , lagi ko kasi sinasabi sa kanya diko kaya pag nalaman kong my babae siya kaya siguro napapanigipan ko 😂
Magbasa paKausapin mo Asawa mo. Kung wala syang tinatago dapat open sya sayo. Kame ng Asawa ko sa awa ng dyos same kame dalawa Cp open kame kami sa isat isa. Saka kung may kutob tayo na kakaiba dapat pag usapan para di lalo tayo maghinala kasi kung atin atin lang Nakaka praning yun. I mean lalo tayo maghinala sa mga maliit lang na Bagay. Dyan mag umpisa ang mawalan tayo ng tiwala.
Magbasa pa
Got a bun in the oven