Masamamg kutob

Nanaginip ako kagabi na may karelasyon asawa ko sa ofc. Naalimpungatan ako sa sobrang galit. 5am yun. Kinuha ko phone niya para icheck. Nagising siya. Sinundan niya ako hanggang banyo para kuhanin yung phone niya. Nagalit siya sakin dahil bakit wala daw ako tiwala. Actually weird kasi never naman ako nagcheck ng phone niya. Ngayon lang kasi iba talaga kutob ko. Buong araw kanina, hindi niya pinakawalan phone niya. Kahit mag CR, maligo. Ayaw niya bitawan. Tuwing lalapit ako kala niya kukunin ko. Parang gago. Inaway ko na talaga siya. Dahil kung wala siyang tinatago bat sobrang defensive niya. Imbis na iassure niya ako na wala siyang babae, siya pa galit. Tama ba na magalit ako sa kanya?

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

may tinatago yan sis, ganyan ang ex ko nun ayaw ibigay sakin 2 phones niya. so nung dumating ung araw na busy siya at ako naiwan sa room niya, chineck ko laptop nia. luckily naalala ko pa password niya at di nia binago so naopen ko.. and dun ko nakita conversation ng SIDE DISH NIYA. so nung bumalik xa sa room, pag open nia ng door, binagsak ko laptop nia at winasak at pinaghiwalay. i make sure na sirang sira.. sobrang sakit nun e, para akong nadaganan ng malaking bato. ilang months na rin ako kinukutuban nun before ko nalaman na may 2nd gf pala xa. at yung girl ndi alam na kami pa kasi ang sinasabi raw sa knya e hiwalay na kami matagal na.

Magbasa pa