Nakakaloka

Naloloka ako sa mga posts nowadays. The moment that i downloaded this app, ang saya ko. Lagi ko po kinukwento sa hubby ko na sobrang helpful ng app na to. Pero recently lang kung ano anong nonsense posts na ang lumalabas. Di ko alam kung 1 o dalawang tao lang ba sila na walang magawang matino sa buhay. Nagstart sa babaeng may depression daw. Then sunod sunod na ang posts on how to abort a baby. Meron pang mga mommies na nagpopost kung gano kalaki sweldo nila per cut off. ?Tapos eto. Gender disappointment naman.. Jusko.. Bakit nyo dinadownload tong app na to kung anti-life naman pala kayo. Mag isip isip naman. Be sensitive and be mature enough. Di po kasi kayo nakakatulong. Nakaka stress kayo. Hehehe. I hope there's an admin here na kayang i filter yung mga members na nanggugulo lang. To those moms who are super supportive and happy with their child/pregnancy and to those moms who are struggling but still fighting, kaya natin to. Don't be affected by those toxic people na nandito. God bless us all po and a safe deliver satin! ??

Nakakaloka
82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh, ako din, super happy ako nung nag download ako sa app na ito. Dito ako ba belong talaga kasi ang dami kong tanong sa isip ko lalo't naka bedrest ako. Daming negative na iniisip. Thank God napunta ako dito. But lately, ang dami na din anti life. Minsan natatakot akong mag open. Peru ini ignore ko nalang sila mas binibigyan ko ng pansin yung need ng advise din na katulad ko.. Almighty Father, please spare us all mommies here na makasalamuha ang mga negative na nilalang coz I know pakawala sila sa masasamang espiritu para kami din ay ma discourage kami to continue on our journey. Thank you Father God.

Magbasa pa