Duphaston 30days 3x a day

Nakunan po ako last December at ngayon po, August nagpacheckup po ako and confirmed pregnant 7weeks. Niresetahan po ako ng duphaston for 30 days. 3x a day po ba talaga ang take nito? Mejo naloka po ako sa price pero keri lang para kay baby. Wala din po ako bleeding or spotting. Salamat po sa advise ?

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi sis ako din 3x a day ng duphaston for 1 month. Tinetake ko cya ng 6am, 12nn, and 6pm. Meron pa akong Progesterone heragest during bedtime for 1 month din. Suppository cya sa pempem. Meron akong subchorionic hemorrage na minimal last tvs ko.

6y ago

Btw nakunan din ako 5yrs ago ang nalaman namin na bagsak ang level ng progesterone ko kaya ako nakunan. Kaya feeling ko malaking tulong ng duphaston and heragest sa akin ngayon. Kaya sundin mo lang si OB. Im 8 weeks 3 days pregnant po