Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
New Mommy
May Tubig Sa Loob Ng Pacifier?
Hi mamshies. Tatanong ko lang kase yung pacifier na nabili ko first time ko hugasan kanina, pagtingin ko may water sa loob. Honestly, ang alam ko wala tubig yon simula pa lang. Nagdalawang isip tuloy ako baka di ko lang napansin, may tubig ba talaga na laman sa loob ang mga pacifier? O nalagyan lang mung hugasan ko? First time mom po. At ngayon ko lang balak ipagamit sa baby ko yung pacifier. Isterilize ko pa lang sya sana after wash. Looney tunes po na anti-pouty lip. Baka merong nakabili din ng ganito. Salamat!
Dilemma: Palit Diaper Habang Tulog
Hi momshies. Sino po dito may same na dilemma? 6hrs ago na kasi last diaper change ni baby. Di naman sya nagpupu pero alam ko puno na wiwi kaso tulog na tulog. Pag pinalitan ko magigising ?. Mas maigi ba hintayin ko nlng gumising bago ko palitan o palitan ko na agad? May nilagay naman akong cream sa nappy area nya kontra rashes pero syempre worried ako. Pero ang sarap ng tulog nya eh saka baka mahirapan makatulog ulit. ?
Tahi Cesarean Gaano Katagal Gamutin
Hi momsh. Tanong lang sa pareho ko na CS, hanggang kailan lalagyan ng gamot yung tahi? Saka hanggang kelan din bago pwede itigil magsuot ng binder? Thank you!
Rashes At Nagbabalat Ftm
Hi mommies. Tanong ko lang sana kasi nagkarashes baby ko umabot na sa tenga tapos mejo nagppeel. Possible ba sa breastmilk to? Di ko naman sya pinapahiran ng bm although nabasa ko dito na may gumagawa ng ganon kontra rashes. Baka daw twing dumedede sya tapos yung tumutulo na bm kaya nagkaganyan sabe ng byenan ko. Ibig ba kaya sabihin may allergic reaction sa bm ang baby ko? ? Salamat po sa sasagot
Rashes Sa Face Ni Baby 2weeks Old
Hi momshies. Tanong ko lang sana ano kaya tong lumabas sa face ni baby, rashes ba to? 2 weeks old po sya. Naliligo naman sya daily at nililinisan ang mukha. Mukhang di naman sya nangangati pero nkkaworry parin. Hindi pa naman mkapagpacheckup dahil quarantine. Ano kaya pwede gawin? Thanks po sa sasagot
Newborn Checkup, Pano Eh Quarantine
Hi mommies. Baka may ibang same ko ng concern. Ika7days na ni baby ko bukas at scheduled sya na bumalik sa pedia for checkup. Kaso sa ospital ang clinic ni doc at nabalitaan din namin na possible airborne ang virus kapag hospital setting. Pwede kayang di na muna kami magpacheckup? Or may mga tests/vaccines na ginagawa ba sa newborn within 1month na required? Ano bang dapat namin gawin..? ? Gusto ko sya pacheckup kaso baka mas malala naman mangyari kapag lumabas pa kami.. Any advise po, salamat
Labor, Delivery, Recovery FTM
Momshies tanong ko lang sana, saan magstay si husband during labor & delivery? Pinapayagan ba sila isama sa loob habang nanganganak? Kung hindi man, saan sila magsstay? Sa recovery room ba kahit sino family na bumisita pwede sila pumasok? Sana po may sumagot, thanks!
Labor Signs Na Po Ba Ito? FTM
38 weeks. Sumasakit yung puson. Nagising na lang ako na parang nadudumi na ewan. Nagpunta ko cr pero wala naman, tapos parang puson ko na pala yung sumasakit. Tinry ko pa din magpoop kase baka sakali pero walei tlga saka ayaw ko din umire masyado. Ngayon ko lang naexperience yung parang cramps pag dinadatnan. Signs na ba to ng labor? O papunta pa lang sa labor, matatagalan pa po ba to? First time mom po, salamat sa sasagot
Mataas Pa Po Ba??
37 weeks na po, mataas pa po ba? Please respect, ftm. Thanks
Paano magkabreastmilk??? FTM
Currently 33 weeks po. May way po ba para makasiguro na makakapagproduce ng milk pagkapanganak? Gusto ko talaga sana magbreastfeed eh kaso may mga narinig ako iba hirap daw magkagatas. May paraan po kaya na habang buntis pa lang magawan ng paraan magkagatas agad? Salamat po ?