Nahulog si Baby sa Kama

Nakokonsensya ako sa nangyari kaninang madaling araw. Nilapag ko lang siya sa tabi ko dahil inaantok talaga ako. Naka-idlip ako biglang nakarinig na lang ako ng iyak. Paggising ko wala na sa tabi ko si baby. Nasa ilalim na siya ng upuan, umiiyak. Hindi ko maintindihan bakit napunta siya sa ilalim ng upuan. Mabuti na lang walang dugo at pilay si baby. Sana okay lang siya. Nakokonsensya ako sa nagawa ko. 1 month and 15 days pa lang siya. :(

Nahulog si Baby sa Kama
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

sana pinacheckup mo po si baby sa pedia.. para po makasiguro na ok lang po siya