WARNING! PEDOPHILE ALERT

Nalulungkot ako at nanggigigil habang tinatype to. So may nakita akong "common post" dito. Isang mommy na nagtatanong kung ano nangyari sa skin ng baby niya. So yung question may naka attached na photo (PRIVATE part ng baby girl niya) so as mommies normal lang satin makakita at maging concern. Pero while reading ng mga comments may isang mommy na pinapadelete yung photo dahil may mga PEDOPHILE na raw dito sa app? At first nagduda pa ko, pero heto na nga po, may nakita akong isang reply sa comment. May isang mommy pa na natawa dahil bata lang naman daw. Ibig sabihin hindi pa lahat nakakaalam nito. For TAP sana po magawan ng paraan. Dumudumi na tong app na to. Pinapasok ng mga demonyo.

WARNING! PEDOPHILE ALERT
178 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Much better tanggalin ng TAP ang Anonymous na option. Ilink sa ibang email accounts ang paggawa ng account dito. Kung pwde lang din kung may picture na private part takpan or lagyan ng sticker before iupload, kung may ipapakitang skin rashes sa private part ng baby. Besides dapat tlga wag ppicturan ang private part ng baby, un lang rashes or kung ano pa man. Sensitive part kasi iyon. Be careful nalang sa mga ipopost po.

Magbasa pa
4y ago

I agree para certified moms lang ang nakaka-access sa app na ito.