15 Replies

napaka bait mo mi, napatawad mo kase sya... Godbless you and your baby.. Iwasan mo sana mg isip at mag paka stress since preggy ka na.. Pero mhirap at msakit tlga ang maloko. Ung pagpapatawad at pain sa loob matagal yang mawawala...Maybe years o hindi natin masasabi kung kelan kasi papasok at papasok sa isip mo yan kahit anong mangyari. Bigla bigla mong maiisip tas bigla kang masasaktan. I also betrayed my husband 4x. Way back 2016 and not knowing he is also betraying me pero once sa isang babaeng pinka pinagkakatiwalaan kk pa. Both kame ng confront..Mas mabigat ung kasalanan ko kase 4x na beses akong nagloko. 1 month nameng pinag uusapan, totoo nakaka irita kase paulit ulit need kse ng clearance e yan ung isang problema na hindi dapt tintago dpt pinag uusapan,madame kseng tanong like..bkit?ilang beses? may pagkukulang ba ako? bakit sya? san nyo ginawa? paulit ulit ulit ulit tlga... after that we got engaged and ang 2019 kinasal kme..now 3 yrs na kme ang manganganak na ako this december. Ung sakit andito pa sken alam ko sa knya din...Mahirap kalimutan pero imake sure na hindi na mauulit kse kapag inulit ng inulit wag mo na patawarin.

salamat mi.. willing din naman po sya ibalik yung trust ko na nasira nya. nanghingi sya ng patawad. sino ba naman ako na hindi magpatawad? we are all sinners at pinatawad tayo ng Dios. pero sabi ko talaga sa kanya na hindi ko na sya tatanggapin kung uulitin pa nya.. keep strong lang tayo and congrats po in advance sa inyo. i hope and pray na healthy kayo both ni baby. di naman talaga natin maiwasan pero gawin nlng po natin lahat para di na tayo mas-stress. masakit naman talaga pero i hope mawala na ito soon.. God bless you po, mi and to your growing family.

Happened to me din po before pa po pala ako mabuntis e nawiwili na sya s mga extra service na yan.. Kaya pala lage nagpapamasahe akala ko normal na pamasahe lang. Nung nabuntis ako di po siya tumigil and wala pa din akong kaalam alam.. Kasi good provider naman po siya at mabait sa akin at sa baby.. Nung nagsama kame sa bahay duon ko napansin at nahuli na nagpupunta nga sa mga masahista na my extra service..lumayas po ako at pinag susumbong ko siya sa magulang nya at sa magulang ko. Pero nag kaayos po kame para sa bata.. It has been almost 6 years po since nahuli ko po.. and now sobrang nagbago naman na sya at nangako na hinde na sya babalik sa ganon.. Matagal po bago ako nakamove on halos araw araw dn ako umiiyak nuon.. Halos mabaliw ako pero importante po ang support ng family at frends.. Ung mga pinaka pinagkatiwalaan kong tao po ang nakakaalam at sinuportahan nila ako maka move on lalo na po ang nanay ko na suportado ako at kinausap ang asawa ko. Ngayon po ok na ok kame at kita ko na po ang priority nya mas open na din po kame. Hinde na sya nagtatago ng celpon hinde katulad nuon at buntis na po ako sa 2nd baby namen.. :)

Be firm din po mi na kapag inulit nya ay wala na po talaga siyang babalikan. Kasi yan po ang usapan namen ng husband ko. Ang maganda lang po sa nanyareng yon ay naging super strong ako lalo.. Feel ko po pag naulit e..wala na po talagang 3rd chance ehh.

wow, Buti pinatawad mo pa sya noh kasi ako if saken mangayri yan handa ko syang iwan kasma anak namin eh. I dont know, Siguru iba iba lang talaga tayo. Mas mahalaga kasi saken ang peace of mind and self respect/love. kung binigyan mo na sya ng 2nd chance dpt wla ng ungkatan ng past kasi diba nonsense if nagbigay ka pa ng 2nd chance tpos brought up lang din edi ang ending mairita sya tlaga kasi tinanggap mo na nga pero prang labas sa ilong,gets mo? which ayaw ng mga lalaki ng ganun. Kung nagpatawad ka then be it but un nga ang ikaw sayo hnd ka makakalimot. Wla ka ng peace of mind. May doubt ka na sknya palagi. anyways try to build and apend more time with him pra maibalik or work out relasyon nyo.

yes po kasi in my mind we are all sinners, i need to give him 2nd chance if willing din po sya which is willing naman din po talaga sya.. salamat po sa thought. yun ang gusto kong malaman. yung about sa side ng mga lalaki kasi i know naman po na iba iba ang nararamdaman ng mga lalaki at babae.. di ko naman po inoopen up sa kanya na parang sinusumbat ko pagkakamali. yung sa akin lang po, sinasabi ko sa kanya everytime mararamdaman ko ulit bigla yung sakit kasi wala na rin po ako mapagsabihan. yun na nga po, dati nagagalit sya kasi nga inaamin na nga daw nya bat pa inuulit ulit. pinapaintindi ko naman po sa kanya na hindi ganun kadali nawawala yung sakit na binigay nya sa akin. naintindihan naman na nya. di na nya ako sinasabayan ngayon.. i can see his effort din naman to build my trust again. salamat po

Give yourself time to heal and dont force it. It isnt easy being a victim of cheating. Go easy on yourself dahil you are pregnant as your stress will have an effect on your baby. As for your husband, wala siyang karapatang magalit kapag naoopen mo ito sa kanya. That is the consequence that he should face for cheating on you. If he gets mad again, tell him this wouldn't happen if he made the right decisions so magtiis siya dahil hindi mo fault na naging mapusok siya. Do not let others blame you for his mistakes. Let him suffer the consequences because he made an adult decision to find another woman at nagplano pa talaga magkaanak.

maraming maraming salamat po mi.. i really need these kind of encouragement right now. i tried my best naman na hindi magpapaka stress para ni baby.. sana nga po, di na sya matutukso ulit ng ganun. palagi na po kami nagp-pray ngayon. dati kasi, hinahayan ko nlng sya ayaw mag simba. ngayon sabi na nya, "tulungan mo ako mabalik ako kay Lord." kay mas lalong tinanggap ko sya. nakikita ko kasi willingness magbago at ma fix lahat.. kaya now, sabay na kami mag simba.. yes po, di naman talaga intended na babalikan or ioopen up ko sa kanya ang past, bigla lang talaga minsan pumapasok sa isip ko at bigla ko na naman nararamdam ang sakit then wala ako iba mapagsabihan kaya sa kanya ko sinasabi pero di naman sa inaaway ko sya. something informing lang na ganun na naman yung nararamdaman ko. salamat po. i realize it now na dapat nga pala talaga hinay² lang. kasi totoo po sinabi nyo na dapat there will be no wounds will be left. same sa physical wounds.. naintindihan ko na po. salamat talaga. i

focus on your baby and your health (mind, body and spirit) make yourself busy para hindi mo maisip ang mga bagay na nangyari noon. keep praying for your complete healing and forgiveness. nurture your husband with your love and care. much better na huwag mo na isumbat o ungkatin ang mga nangyari dahil pareho lang kayo ng husband mo ang ma eexhaust pati na rin yung nasa sinapupunan mo. kapit lang mamsh..kung nakaya mo patawarin siya sa pagkakamali niya...hindi dahil magkakaanak na kayo kundi dahil mahal mo pa siya... gamitin mo yun para unti unti maka let go at maka move on ka na... pray and pray and pray.

good to know mamsh that your both are on the road of second chances. keep God as the center of your family ❤️❤️❤️

Madaling magpatawad pero ang hiram makalimot. Isa sa pinakamahirap sa relasyon talaga is kapag yung tiwala mo sa taong yun eh sinira niya mismo. Ang hirap kapag trust na yung issue. Laban ka lang mmy wag mo lang sanang iisipin na may pagkukulang ka kase kung tutuusin, nagbigay ka pa nga ng sobra. Hayaan mo lang sarili mong mag heal. Kung naiiyak ka kapag naaalala mo, iiyak mo lang. wag mong pipigilan. Isipin mo lang si baby at kung maaari, iwasan mong isipin yung nangyari. Focus ka nlng muna sa sarili mo at kay baby. Take Care always mmy. Lalaban tayong mga ina 💪🏻🤰🏼❤️

salamat po nang marami mommy.. yes, mahirap talaga iwasan ang sakit.. hirap din buo-in ulit yung trust. i am thankful to God kasi po nakikita ko naman na willing sya buo-in ulit trust na nasira.. oo, iniwasan ko na talaga isipin ang nangyari. may mga oras na di talaga maiwasan, iniiyak ko nalang po and after that, okay na.. di ako nagpapakalugmok kasi naawa din ako ni baby. First time ko pa naman mag buntis.. sabi nila, kung ano nararamdaman ko, nararamdaman din ni baby.. nabasa ko din yun dito sa tracker.. hehehe salamat po talaga sa pag intindi and encouragement. i really need your beautiful comments mommies.. laban po tayo! ❤🥰

Mommy sana kahit mahirap wag ka masyado mag isip ng mkaka stress sayo kasi mkaka affect sa baby. Nagawa m sya patawarin and that shows a strong personality. Mahirap masaktan at lalo na d m massabe kng kailan ka mag he-healnaka depende kasi yan sa inyonf dlwa if sincere sya and willing to make up for his mistakes. Praying for your family mommy *hugs

maraming salamat po sa prayer mi.. nagpapasalamat nga din po ako dito sa app na to kasi sa iba, di mo mae-express ng maayos ang nararamdaman mo kasi maraming nanghuhusga. pwede ka mag anonymous dito para mae-express ko nararamdaman ko. ayaw ko rin naman po i-post sa fb. gusto ko lang po talaga may makakausap o may makukuhang mga ibat ibang idea.. of course, in a nice way naman sana. matatanggap ko naman po mga advice na masasakit basta in a nice way lang sinasabi. pag ganito po kasi mejo nababawasan yung nararamdaman ko na di maganda para sa amin ni baby. naawa nga ako kay baby minsan kaya pilit kong nilalabanan everytime biglang pumasok sa isip ko.. pero may panahon talaga di ko mapipigilan.. sana po di ganon katagal healing process for us kasi nakikita ko din naman po willingness ni hubby na maibalik yung nasira nyang trust ko sa kanya..

VIP Member

nkakapagpatawad kasi, pero hndi tlga nkkalimot.. as time passes by, gagaan yan.. medyo mwwala ang bigat, pero hndi mo pa dn mkkalimutan.. yung sakit at bigat, hndi pa yan tlga mwawala sa ngaun.. it takes time.. pray ka lng.. and kung kailangan mo ng kausap, mkipag usap ka lng.. kasi hndi nmn ok na sinosolo lng yan.. sana malagpasan mo..

salamat po miss strawb.. nakakapagpagaan yung mga gaintong reply. yung walang panghuhusga at iniintidi lang lahat esp the situation. salamat po. God bless you po

If I were in your position. I will live my life with my baby. Without his father kung andyan lang lagi ang sakit na panloloko na ginawa nya. Sustento na lang. Self- love and respect. I can live without him. But i can't live without my baby. Mas mahalin mo ang sarili mo at si baby sis. Kung hnd mo talaga kayang patawarin na

i understand po and i respect your decision pero I need to give 2nd chance kasi after all we are all sinners. napatawad ko naman na po sya. di lang talaga maiwasan yung sakit minsan. sabi ko sa kanya, kung gagawin pa rin nya, dun na ako makikioaghiwalay at di na nya kami makikita ni baby namin. nangako naman sya di na nya uulitin at nakikita din naman effort nya para maayos lahat. hanggat kaya pong ayusin, subukan na muna.. need ko lang talaga makakausap about sa sakit. pero no question naman po about accepting him again.. the hurt and pain lang talaga..

Isa sa pinakamahirap is yung makalimot. At some point maawa ka kaya papatawarin mo kasi mahal mo. Pero para yang nightmare, babalik at babalik yung sakit and lagi mo yang maalala. Focus mo nalang muna sarili mo kay baby, mas need ka nya. After, access mo nalang kung kaya mo pa tanggapin yung partner mo ng buo.

sige po mi.. salamat po. sana po tuloy² na pagbabago nya. nakikita ko din naman mga effort nya to win me back. to build again my trust. sana lang talaga tuloy² na..

Trending na Tanong