need your opinions
Nakatira ako sa parents ko. Ako ang bread winner. Pero di lang naman ako ang gumagastos sa buong bahay. Sakin ang bill ng internet, monthly groceries (6k halos. lahat na ito from snacks to soap to condiments), car, at lahat ng lakad ako gumagastos. Sa parents ko naman ang kuryente, tubig, daily ulam. Kasama sa bahay ang 2 kong kapatid na walang inaambag kahit ano. Kuya ko (tricycle trabaho. pero di nagshashare. ultimo shampoo kinukuha sa pinamili ko. as in walang ambag) plus anak nya pag weekend. Saka ate ko (may diperensya. kulang sa IQ pero nakakaintindi? Kaya lang sa mga gawain di masahan kasi bara bara. Saka may moods. pag nainis e talagang mabubwisit ka din) plus anak nya na sakin na nakapangalan. Lahat ng kailangan ng anak ng ate ko ako nagbibigay. Preggy ako, at naiinis na ako sa mga kapatid ko. wala na kasi naitutulong, wala pa silbi. ni hindi maglinis. o kung ano man. parents ko lagi nakaasa. Alam mo yun, wala na matulong perwisyo pa. Kaya lang ako nagstay dahil sa parents ko. Tingin nyo po dapat na ba ako umalis dito? Bumukod? Nasa abroad si Hubby. Kaya ako lang saka si soon to be baby ang aalis if ever. Balak ko pa naman ipagawa tong buong bahay. gawin Apartment, bahay ko, bahay ng parents. Ano po ba maigi gawin? Naiistress ako kasama mga kapatid ko. Lalo pag nag aaway kami. Buntis ako, ayoko mapahamak si baby. Nagtitiis lang po talaga ako dito at di umaalis kasi naka file na yung petition ko US. By next year aalis na po talaga kami ni baby papunta kay hubby. Kaya din nasama sa plan na gawin apartment tong buong bahay namin(yung part ko lang ang ipapagawa ko) plus bahay ng parents ko. Iniisip ko lang kung aalis na ba ako ngayon, uupa ng apartment o pagtiisan ko na lang muna?