my ubo story

nakakatawa lang yung title pero ngayong araw yung isa sa pinakamalungkot na araw para samin ng baby ko check up sana namin ngayon sa ob, pero dahil sa ubo ko hindi ako chineck up ng ob ko. back story lang po. nag repaint kasi sa bahay namin nitong week and nag trigger yung amoy ng thinner sa ubo ko. pawala wala naman yung ubo ko at inexplain ko naman yun sa asst ng ob ko pero ang ginawa pinalabas ako ng clinic dun ako pinag antay sa labas. binalikan nya ko para sabihin na magpaswab test na daw ako agad agad. sabi ko sa asst kaya nga po ko magpapatingin kasi baka allergy pala to na natrigger ng matapang na amoy tapos sabi po kailangan daw talaga na mag swab test kasi ayaw ng ob ko na may ubo ang patient. sobrang nadiscriminate ako at na-down. nagpunta ako sa ospital na pinagreferan ng ob ko, 6k ang swab test. wag daw ako babalik sa clinic nila hanggat di daw ako nakakapag swab test. pakiramdam ko napakalaki ng kasalan ko sa pagkakaron ng ubo hindi naman ako pinakinggan ng doctor ko. hindi din chineck kung may symptoms ako ng cov*d basta sinabi lang agad na swab test. ganto din po ba sa inyo mga ob nyo? parang sobra naman po kasi ginawa sakin. masyado nakakapanlata.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy, di po talaga maiwasan madiscriminate dahil sa panahon natin ngayon. Your OB is just being careful din sa clinic nya dahil may ibang buntis din nagpapacheck up, ayaw din nya maexpose sila sa ganyan. Kahit alam mo sa sarili nyo hindi yan cov1d pero ang symptoms po kasi nyan will took days bago malaman na nagpositive, pwede ding ikaw maging carrier with no symptoms. Kaya mahirap din po magpadalos-dalos ngayon.. Maraming online consultation naman na ngayon, pa prescribe nalang kayo doon sa ubo nyo. Get well soon, mommy! 💖

Magbasa pa