I just want this out of my chest. Yung mismong mister mo ang nagbibigay stress sayo kahit buntis ka.

Nakakastress si Mister, as if gugustuhin kong mapahamak baby namin. 1st baby namin 8 months sa tummy ko. Working kami pareho, nakabukod na din kami. Aalis ng maaga sa bahay. Uuwi na kami ng gabi. Tuloy mukhang basura na bahay namin. Weekends lang ako nakakapagtrabaho sa bahay. Pag nagtatrabaho ako gusto nya tapusin ko agad dahil napapagod daw ako. Pag may gusto ako gawin sasabihin nya. Mamaya na yan! "Pahinga ka muna". Dalawa lang kami sa bahay. Ayaw nya magtrabaho. Ayaw nya ako mapagod. Sinong kikilos? Ako din naman. Pag naglalaba ako nagagalit sya. Palabhan na lang daw namin sa mama nya. E di naman nya dinadala dun sa kanila kahit isang linggo nang nakatiyangyang. E kailangan ko ng suotin (alternative uniform) kaya ako na naglalaba. Nahihiya din ako sa mother-in-law ko, kaya twice ako maglaba para konti lang. Tapos nagagalit sya. Sabi pag namatay anak ko sa tiyan ko, isisi nya lahat sakin. Lahat ako gumagawa. Pagluluto pati pagkuha at pagligpit ng pinagkainan susubo na lang sya. Pati nga snacks nya sa tabi lang ng kama kahit isang linggo na. Panay cellphone at higa lang nya 😒😭😭 lagi nyang sinasabi na pagod sya. Pero di nakikita yung mga ginagawa ko. Nakakapagod din. Di nya nakikita mga pag-iyak ko. Nakakastress na talaga sya. Minsan feeling ko di naman totoo na concern sya samin ng baby sa tiyan ko. Lagi lang akong umiiyak nastress sa kanya. Iniisip ko na lang atleast responssible sya sa paghahanap buhay para samin. Pero pareho lang din naman kami kumikita. As if naman na gugustuhin kong mapahamak anak ko? Wala lang akong choice kung hindi maglinis at maglaba sinong gagawa? Ayoko ng maruming bahay. Wala lang akong choice, hirap nako kumilos pero tinitiis ko nang marumi ang bahay. Yung kaya ko na lang ang ginagawa ko.

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. Hindi naman po parehong pareho yung experience ko sayo kasi tbh hindi ko na hinintay na humantong pa ko sa ganyan. I am a ftm. My pregnancy is unexpected and since unexpected yung pagbubuntis ko, hindi kmi prepared ng partner ko kaya medjo na stress kami pareho sa sitwasyon at ganon din sya, medjo batugan sa gawaing bahay, dinagdagan pa ng bisyo nya sa sugal kaya dun palang nakapag isip isip na ko hanggang umabot sa punto na dinugo ako dahil sa stress at dun na nga, I've decided to be a single mom kung yung magiging dahilan lang din naman ng pagkawala ng anak ko eh yung tatay nya mismo, much better mawala ang tatay. Hindi ko naman po sinasabing you do the same mommy, ang akin lang po, hindi maganda sa baby at sayo yung stress. You need a happy, stress-free environment. Kase sa totoo lang po, nung hiniwalayan ko yung partner ko naging happy ako, nawala ang stress, naging healthy ang pregnancy ko. Sometimes we really need to make big decisions not for ourselves but for our baby. Pero try mo po muna mii makipag usap sa partner mo, if you were able to communicate your side with him and still the same pa din po ang situation please rethink your decisions kase hindi lang po ikaw ang mag ssuffer, pati po ang baby mo if ganyan pa din po ang attitude ni partner. Kaya nga partner kasi katuwang sa lahat. Sending hugs po mommy. Fighting po! 🫢

Magbasa pa

mister ko naman sobrang sipag, inaako lahat ng gawain pero kapag pagod na sya ipaparamdam nya sayo na ang tamad mo.. HAHAHA nagdadabog na minsan tapos di ako kinakausap, ewan ko lang din kung napapansin nya na kapag ako ang nagawa umpisa hanggang matapos ko yung gawain diko sya aabalahin unless diko abot or diko kaya buhatin. pero kapag sya gumawa dinbaga ihanda muna lahat ng gagamitin jusku paisa isa ma abot mo yon abot mo nga to kunin mo to.. mga ganon, e minsan diko mahanap yung pinapakuha nya sya kukuha kapag nakita nya pamumuka nya sayo na dika naghanap.. hahahaha. pati towel nya girl inaabot ko parati.. at di pwede babagal bagal pero pag sinabi kong wag mo ko madaliin sasabihin di kita minamadali dika lang mabigla ng isang sabi.. juskupo sakit sa brain!! kapag naglalaba yun kahit busy ako gusto nya maligo na kami ng anak ko sabay para yung madumi namin kasama na sa lalabhan. kapag galing kami sa labas di pwedeng dika maliligo pagdating sa bahay. feeling ko nga pasmado na ako kasi kahit pagod ganon. di daw yon totoo.. kahit anong situation kaya mag fit in ng mister ko. lahat ng usapan namin sya magaling, minsan teacher sya, doktor, pulis, mayor, ob.. suskopo.. dika mananalo.

Magbasa pa
2mo ago

isa pa po yan. ganyan din po mister ko pag nagtrabaho. madalang lang mgtrabaho gawin pa ako assistant. naiiwan din sakin yung kalat nya. madalas pag may naumpisahan syA di nya natatapos. or sobrang tagal bago nya tapusin. nakakapikon.

i can relate sa ganitong sitwasyon mo mumsh. Dalawa lang din kami sa bahay and both wfm setup. kada break/lunch ko sa work isinisingit ko yung maliliit na tasks na dapat kong gawin para pag tapos ng work magpapahinga pa lang. Ending, ako pa din lahat; mag prepare ng food for lunch(kahit mas maalam sya mag luto), food ng 2 dogs (kanin pinapakain namin), hugas ng pinag kalatan sa lababo, linis ng bahay. pagkagising need pa din mag prepare ng food for dinner and pagkain buong shift namin. Masakit is makikita mong nag lalaro lang sya sa pc or ps5 nya pero pag pinakisuyuan ng gawaing bahay, pagod sya :( I tried to tell him kung ano nararamdamam ko, kung gaano kahirap. palaging "stress palagi hanap mo." "pag may nagyari sa bata ikaw at ikaw lang ang sisisihin ko." Ngayon, magkalayo kami at umuwi muna ako sa parents ko dahil nga need ko talaga magpahinga. Sa sitwasyon namin, hindi nya kami kusang kinukumusta ng bata. Hindi nya din kami dinadalaw. Ang sad no? lalo sa part nating mga FTM na need lang ng pag unawa at pag encourage na kayanin natin tong journey na ito. RT, nakaka drain sya emotionally lalo pag mahina yung support system natin. :(

Magbasa pa
2mo ago

virtual hug mommy. kala ko ako lang. sana magbago na sya at wag na kami umabot sa kailangan ko pa umuwi sa parents ko. Nakausap ko na sya ng konti, kaninang morning sya nagready ng food ko bago pumasok sa work.

ganyan din ako naiistress din ako sa partner ko kc mula nung nabuntis ako at maselan pinagbedrest ako buong 1st trimester lagi kc ako may spotting. may work asawa ko pero hndi maalam sa gawaing bhay tas may mga hayop pa kmi aso, manok at gansa ako nag aalaga dati nung dpa ko nabubuntis. kaso napabayaan na cla muka nung nagbedrest ako. naiistress ako kc ang dumi dumi ng bhay tas nag aalala pako sa mga hayop nmin kc petlover ako. lagi kmi nag aaway mag asawa kc d nia magawa un mga dating gawain ko kya cguro madalas ako nun may spotting kc nga stress nako sakanya gusto ko na lumayas nun kaso d ako pwede bumyahe dhil maselan nga ako. ang bhay nmin npakagabok na, hndi nkakatikim man lng ng walis lagi ko pa nga xa cnsabihan tutubuan na nga kamote ang bhay nmin. aun naawa nadin skn kc lagi nia ko nkikita umiiyak tas lagi ako bumabalik sa ob ko kc lagi may spotting hndi nawawala hndi may mga pampakapit nako. aun awa ng diyos gumagawa na xa ng kusa.. un lang nagrereklamo xa na pagod na daw xa kc may work na xa tpos pag uwi aasikasuhin pako pati mga hayop nmin..

Magbasa pa

haaay..nakakalungkot para sa tulad kong nanay at asawa..tbh, hindi ganyan si mister ko..7 months going 8 na tong pinagbubuntis "namin"..yun lagi nya sinasabi kasi dalawa daw kaming gumawa at dalawa kaming responsible sa baby namin..second baby to..di nya na ko pinagtrabaho nun 6 and half months na ang tyan ko..since then, sya lang nagtatrabaho at kumikita..pag sinasabi ko na mag wfh ako or mag business saka na daw pagka panganak ko kung gusto ko talaga susuportahan naman nya.. Mondays to Fridays ang work nya.. pagdating ng weekends sya pa din lahat gumagawa dito sa bahay ayaw nya ko pakilusin..with allowance ako weekly kasi baka may gusto daw akong bilhin bukod pa yung gastos dito sa bahay na stock pang ulam at grocery..bills,.sya pa din lahat..kaya pag nai stress ako sa ibang bagay lagi nya nire remind sakin na sya nga ginagawa nya lahat para di ako mastress, wag ko na daw isipin yung mga bagay na hindi naman dapat ika stress.. so choose your peace mommy..hindi lang para sa sarili mo kundi para sa anak mo..πŸ’•

Magbasa pa

Hi mommy, I felt the same way but its the other way around of my experience from the father of my baby. The moment I knew I am pregnant, I know that stress is not good for the baby and since we have a lot of frustrations and problems hindi natin maiiwasan yun. In my case, I stayed for 8 months in their house. But it stress me more dahil hindi ako love and he’s only doing it for the sake of my health and the baby. As days goes by I realised that β€œtaking good care” by him is not enough kasi every actions he made stresses me out. What I did, I left the house and find somewhere stress free kasi may mga signs na sumasakit tyan ko and he has nothing to do with it kasi di naman sya full time nag aalaga sakin. Sa awa ng Diyos, I’m doing fine and hindi na ako stress. I gained weight pa nga compared when I was in his house na puno ako ng stress.

Magbasa pa

hi mommies ganyan din ako Ng buntis ako pero wag muna sya isipin ANG isipin mo magisa kalang para dimosya mapaginitan Kasi double stress Kasi my ksma Ka SA bahay .. nung gnyan ako Iniisip kunalang sya nagpprovide para dinako mastress gingwa kunalang basta wag Ka masyado kilos kilos Kasi mastress Ka AKO stress ako nung buntis ako buong araw AKO kilos Ng kilos Kasi diko mapigilan magkilos e ako pa nagllaba Ng damit nya takenote marami akong pets inaalagaan nakakaya kunaman NASA 10 ang pets KO asikaso ko sila pati mister enjoy munalang Kung isipin mo asawa mo lalo kalang mastress . never ako inasikqso Ng mister KO kht almusal Kasi pagod sya sa work .

Magbasa pa
VIP Member

dapat mie kausapin mo xa na dapat magtulong kayo sa gawing bhay kasi dalawa lang dn nman kayo jan at same kau may work.,or better na kumuha kau ng kasama sa bhay once or twice a week maglinis at maglaba kung keri nman ng budget nyo..,,kami kc ng asawa ko ako walang work,.pero tulong kami maglaba ako tgasampay at mando anu dpat unahin labhan xa tga banlaw.,at ayaw nya ako lang ang maglalaba.,at alam nya ayaw ko dn ng madumi.,hinahayaan nya ako kung anung gusto at kaya kong gawin at ung ndi ko kaya at pagod nko pahinga at xa ang gagawa...kya dapat pagusapan nyo ang dapt gawin sa loob ng bhay.,wag mo solohin

Magbasa pa

sobrang thankful ako sa husband ko siya lahat ng gawain pero pag kita ko sa mukha niya na pagod na siya ako nmn magasikaso saknya kase yun nalang masusukli ko eh ayaw niya ako paglabahin pero nag lilinis ako yung hindi mabigat gawin bumabawi ako sa asawa ko at mas lalong pinatibay tlga relasyon namin at mas lalo ko siyang mahal na mahal sobrang responsable give and take lang wala akong problema saknya kase wala siyang bisyo ayaw niya ng alak at yosi galit kaya wala ako masabe sobrang swerte ko kaya nag sisise ako sa lahat ng nagawa ko nung hindi pa ako buntis πŸ₯ΊπŸ₯²

Magbasa pa

maayos lang na pag uusap ang kailangan nyo unawaan sa isat isa .. pede mo sya utusan dahil kayo lang dalawa sa bahay dapat nakikita nya yan .. pag wala ka masuot sabihan mo sya pag ndi sumunod ibalik mo saknaya mga sinabi nya sabihin mo wla ka masuot ano gagawin ko? mag lalaba ba ko ? akala ko ba ayaw mo mapahamak anak natin??? ang kalat ng bahay ndi ka ba marunong mag linis hindi mo ba nakakasama sa buntis na katulad ung ganitong sitwasyon at stress sa kalat kapag may ng yari sa dinadala mo kamo wla kang ibang isisihin kundi sya kung ndi sya kikilos.

Magbasa pa