I just want this out of my chest. Yung mismong mister mo ang nagbibigay stress sayo kahit buntis ka.

Nakakastress si Mister, as if gugustuhin kong mapahamak baby namin. 1st baby namin 8 months sa tummy ko. Working kami pareho, nakabukod na din kami. Aalis ng maaga sa bahay. Uuwi na kami ng gabi. Tuloy mukhang basura na bahay namin. Weekends lang ako nakakapagtrabaho sa bahay. Pag nagtatrabaho ako gusto nya tapusin ko agad dahil napapagod daw ako. Pag may gusto ako gawin sasabihin nya. Mamaya na yan! "Pahinga ka muna". Dalawa lang kami sa bahay. Ayaw nya magtrabaho. Ayaw nya ako mapagod. Sinong kikilos? Ako din naman. Pag naglalaba ako nagagalit sya. Palabhan na lang daw namin sa mama nya. E di naman nya dinadala dun sa kanila kahit isang linggo nang nakatiyangyang. E kailangan ko ng suotin (alternative uniform) kaya ako na naglalaba. Nahihiya din ako sa mother-in-law ko, kaya twice ako maglaba para konti lang. Tapos nagagalit sya. Sabi pag namatay anak ko sa tiyan ko, isisi nya lahat sakin. Lahat ako gumagawa. Pagluluto pati pagkuha at pagligpit ng pinagkainan susubo na lang sya. Pati nga snacks nya sa tabi lang ng kama kahit isang linggo na. Panay cellphone at higa lang nya 😢😭😭 lagi nyang sinasabi na pagod sya. Pero di nakikita yung mga ginagawa ko. Nakakapagod din. Di nya nakikita mga pag-iyak ko. Nakakastress na talaga sya. Minsan feeling ko di naman totoo na concern sya samin ng baby sa tiyan ko. Lagi lang akong umiiyak nastress sa kanya. Iniisip ko na lang atleast responssible sya sa paghahanap buhay para samin. Pero pareho lang din naman kami kumikita. As if naman na gugustuhin kong mapahamak anak ko? Wala lang akong choice kung hindi maglinis at maglaba sinong gagawa? Ayoko ng maruming bahay. Wala lang akong choice, hirap nako kumilos pero tinitiis ko nang marumi ang bahay. Yung kaya ko na lang ang ginagawa ko.

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

i can relate sa ganitong sitwasyon mo mumsh. Dalawa lang din kami sa bahay and both wfm setup. kada break/lunch ko sa work isinisingit ko yung maliliit na tasks na dapat kong gawin para pag tapos ng work magpapahinga pa lang. Ending, ako pa din lahat; mag prepare ng food for lunch(kahit mas maalam sya mag luto), food ng 2 dogs (kanin pinapakain namin), hugas ng pinag kalatan sa lababo, linis ng bahay. pagkagising need pa din mag prepare ng food for dinner and pagkain buong shift namin. Masakit is makikita mong nag lalaro lang sya sa pc or ps5 nya pero pag pinakisuyuan ng gawaing bahay, pagod sya :( I tried to tell him kung ano nararamdamam ko, kung gaano kahirap. palaging "stress palagi hanap mo." "pag may nagyari sa bata ikaw at ikaw lang ang sisisihin ko." Ngayon, magkalayo kami at umuwi muna ako sa parents ko dahil nga need ko talaga magpahinga. Sa sitwasyon namin, hindi nya kami kusang kinukumusta ng bata. Hindi nya din kami dinadalaw. Ang sad no? lalo sa part nating mga FTM na need lang ng pag unawa at pag encourage na kayanin natin tong journey na ito. RT, nakaka drain sya emotionally lalo pag mahina yung support system natin. :(

Magbasa pa
1y ago

virtual hug mommy. kala ko ako lang. sana magbago na sya at wag na kami umabot sa kailangan ko pa umuwi sa parents ko. Nakausap ko na sya ng konti, kaninang morning sya nagready ng food ko bago pumasok sa work.