I just want this out of my chest. Yung mismong mister mo ang nagbibigay stress sayo kahit buntis ka.

Nakakastress si Mister, as if gugustuhin kong mapahamak baby namin. 1st baby namin 8 months sa tummy ko. Working kami pareho, nakabukod na din kami. Aalis ng maaga sa bahay. Uuwi na kami ng gabi. Tuloy mukhang basura na bahay namin. Weekends lang ako nakakapagtrabaho sa bahay. Pag nagtatrabaho ako gusto nya tapusin ko agad dahil napapagod daw ako. Pag may gusto ako gawin sasabihin nya. Mamaya na yan! "Pahinga ka muna". Dalawa lang kami sa bahay. Ayaw nya magtrabaho. Ayaw nya ako mapagod. Sinong kikilos? Ako din naman. Pag naglalaba ako nagagalit sya. Palabhan na lang daw namin sa mama nya. E di naman nya dinadala dun sa kanila kahit isang linggo nang nakatiyangyang. E kailangan ko ng suotin (alternative uniform) kaya ako na naglalaba. Nahihiya din ako sa mother-in-law ko, kaya twice ako maglaba para konti lang. Tapos nagagalit sya. Sabi pag namatay anak ko sa tiyan ko, isisi nya lahat sakin. Lahat ako gumagawa. Pagluluto pati pagkuha at pagligpit ng pinagkainan susubo na lang sya. Pati nga snacks nya sa tabi lang ng kama kahit isang linggo na. Panay cellphone at higa lang nya 😢😭😭 lagi nyang sinasabi na pagod sya. Pero di nakikita yung mga ginagawa ko. Nakakapagod din. Di nya nakikita mga pag-iyak ko. Nakakastress na talaga sya. Minsan feeling ko di naman totoo na concern sya samin ng baby sa tiyan ko. Lagi lang akong umiiyak nastress sa kanya. Iniisip ko na lang atleast responssible sya sa paghahanap buhay para samin. Pero pareho lang din naman kami kumikita. As if naman na gugustuhin kong mapahamak anak ko? Wala lang akong choice kung hindi maglinis at maglaba sinong gagawa? Ayoko ng maruming bahay. Wala lang akong choice, hirap nako kumilos pero tinitiis ko nang marumi ang bahay. Yung kaya ko na lang ang ginagawa ko.

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. Hindi naman po parehong pareho yung experience ko sayo kasi tbh hindi ko na hinintay na humantong pa ko sa ganyan. I am a ftm. My pregnancy is unexpected and since unexpected yung pagbubuntis ko, hindi kmi prepared ng partner ko kaya medjo na stress kami pareho sa sitwasyon at ganon din sya, medjo batugan sa gawaing bahay, dinagdagan pa ng bisyo nya sa sugal kaya dun palang nakapag isip isip na ko hanggang umabot sa punto na dinugo ako dahil sa stress at dun na nga, I've decided to be a single mom kung yung magiging dahilan lang din naman ng pagkawala ng anak ko eh yung tatay nya mismo, much better mawala ang tatay. Hindi ko naman po sinasabing you do the same mommy, ang akin lang po, hindi maganda sa baby at sayo yung stress. You need a happy, stress-free environment. Kase sa totoo lang po, nung hiniwalayan ko yung partner ko naging happy ako, nawala ang stress, naging healthy ang pregnancy ko. Sometimes we really need to make big decisions not for ourselves but for our baby. Pero try mo po muna mii makipag usap sa partner mo, if you were able to communicate your side with him and still the same pa din po ang situation please rethink your decisions kase hindi lang po ikaw ang mag ssuffer, pati po ang baby mo if ganyan pa din po ang attitude ni partner. Kaya nga partner kasi katuwang sa lahat. Sending hugs po mommy. Fighting po! 🫶

Magbasa pa