I just want this out of my chest. Yung mismong mister mo ang nagbibigay stress sayo kahit buntis ka.

Nakakastress si Mister, as if gugustuhin kong mapahamak baby namin. 1st baby namin 8 months sa tummy ko. Working kami pareho, nakabukod na din kami. Aalis ng maaga sa bahay. Uuwi na kami ng gabi. Tuloy mukhang basura na bahay namin. Weekends lang ako nakakapagtrabaho sa bahay. Pag nagtatrabaho ako gusto nya tapusin ko agad dahil napapagod daw ako. Pag may gusto ako gawin sasabihin nya. Mamaya na yan! "Pahinga ka muna". Dalawa lang kami sa bahay. Ayaw nya magtrabaho. Ayaw nya ako mapagod. Sinong kikilos? Ako din naman. Pag naglalaba ako nagagalit sya. Palabhan na lang daw namin sa mama nya. E di naman nya dinadala dun sa kanila kahit isang linggo nang nakatiyangyang. E kailangan ko ng suotin (alternative uniform) kaya ako na naglalaba. Nahihiya din ako sa mother-in-law ko, kaya twice ako maglaba para konti lang. Tapos nagagalit sya. Sabi pag namatay anak ko sa tiyan ko, isisi nya lahat sakin. Lahat ako gumagawa. Pagluluto pati pagkuha at pagligpit ng pinagkainan susubo na lang sya. Pati nga snacks nya sa tabi lang ng kama kahit isang linggo na. Panay cellphone at higa lang nya 😒😭😭 lagi nyang sinasabi na pagod sya. Pero di nakikita yung mga ginagawa ko. Nakakapagod din. Di nya nakikita mga pag-iyak ko. Nakakastress na talaga sya. Minsan feeling ko di naman totoo na concern sya samin ng baby sa tiyan ko. Lagi lang akong umiiyak nastress sa kanya. Iniisip ko na lang atleast responssible sya sa paghahanap buhay para samin. Pero pareho lang din naman kami kumikita. As if naman na gugustuhin kong mapahamak anak ko? Wala lang akong choice kung hindi maglinis at maglaba sinong gagawa? Ayoko ng maruming bahay. Wala lang akong choice, hirap nako kumilos pero tinitiis ko nang marumi ang bahay. Yung kaya ko na lang ang ginagawa ko.

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kausapin ninyo. sabihin ninyo na siya muna sa mga gawaing bahay dahil kailangan mong magpahinga. alam naman pala niya na delikado sayo, e di sana magkusa rin siya. nung nagbuntis ako, asawa ko na naglalaba at naglilinis ng bahay, minsan hindi niya magawa o nakakalimutan niya, nagsasabi lang ako na wala na ko masusuot para maglaba siya. mas malaking responsibilidad pag lumabas na si baby, kailangan tumulong na siya sa gawaing bahay kasi mas mahihirapan kayong gumalaw pagkapanganak, sa puyat pa lang ang hirap na. ready niyo na may helper sa bahay.

Magbasa pa

sorry sis pero prang hnd mo sya mister kundi anak 😩 Pag nanganak ka at hnd sya nagbago edi prang 2 anak na ang need mo alagaan at asikasuhin. If tlagang concern sya sayo dpt tulungan kayo sa gawaing bahay. Mag usap kayo ng maayos at dpat meron kayong time table/thinga to dau everyday/weekley. Hnd pwd na batugan sya pagdating sa bahay lalo na 2 kayong nagwowork. Saken kasi hnd pwede yan eh, Kapag nanahimik ka hnd yan kikilos at magbabago kaya dpt open communication is a must. Sana magbago pa yan if not then alam mo na.

Magbasa pa

Sabihan mo siya sis na partner mo siya at hindi mo siya anak. At malaki narin kayo at may sariling pamilya para umasa pa sa nanay niya na matanda na rin. Lahat tayo pagod sa trabaho. Kung ayaw niya kumilos at may work naman siya, dapat kaya niya magbayad para sa katulong. Pero kung wala siyang pambayad, tumulong dapat siya kumilos sa gawaing bahay. Hindi ka niya nanay at hindi mo siya anak para umasta pa siya ng ganyan. Kaya siya nagagalit sayo tuwing kumikilos ka ay naguiguilty siya kasi siya wala siya ginagawa.

Magbasa pa

Thank God hindi po ganyan yung asawa ko. As in never ako na stress sa kanya. Minsan ako lang gagawa ng ikakaiyak ko kakaoverthink pero in the end, never naman nangyare yung mga naiisip ko. Super responsible, maalaga. Sobrang swerte namin ng baby ko. Hope you have the same Mamsh. Mag advance leave kana kaya? Para hindi ka ma stress kasi pag wala sya makakakilos ka sa bahay nyo. Hindi ka nya masisita kasi tapos mo na yung mga gawain. Sana lang tumutulong sya hindi yung puro kuda at cellphone.

Magbasa pa

pag usapan nyo po yan, kayo lang ng asawa mo makaka lutas nyan,. kung tamad din sa gawaing bahay mister mo tas ayaw ka pagalawin. lalo buntis ka hirap gumalaw konting galaw mabilis ma pagod,. kumuha nalang po kayo ng kasambay, malapit na kamag anak etc na mapag kakatiwalaan. para me mag asikaso at linis ng bahay nyo. need mo rin naman yon lalo pag nanganak kana,. baka ni ipag luto di ka mapag luto ng asawa mo,. kaya nyo naman siguro un, dalawa naman kayo nag wowork,.

Magbasa pa

Swerte pa rin tlga ko na kahit halos isang buong araw na sa trabaho mister ko pero paguwi sya pa din luto laba asikaso sakin sya lahat ultimo buong sahod bigay nya agad tira lang sya pamasahe sya pa nga na sstress saken pag nagsusuka ako at ayaw ko kumain halos lumungkot sya sa first trimester ng pagbubuntis ko. ayoko makaranas ng stress sa mister kaya pasalamat ako kay Lord may mabuti at responsable akong asawa πŸ₯°

Magbasa pa

Magpa laundry ka na lang mamsh kahit once a week tas ung mga need mo talaga na gamitin na damit e babad mo sa umaga palang. Tas ung mga gawaen bahay pakiusapn mo na lang asawa mo na mag share kayo o tulungan para madali. Okay lang naman siguro na pa help ka minsan sa in laws mo kasi nga buntis ka besides apo nya rin yan asa Tyan mo. Advice lan hehe

Magbasa pa

kausapin mo ng mahusay sis. ung asawa ko nman sobrang sipag mag work apti sa gawaing bahay. ang gawa ko lng dito smen is magluto paminsan at mag hugas ng pinggan. the rest sya na. laba, linis buong bahay pati cr. paligo sa mga dogs nmin at magpakain. wla ako masabe sa knya at napaka sipag sa work din nya at na promote pa nga.

Magbasa pa

Ganyan talaga mga buntis madamdamin, I feel you po madamdamin din kasi ako nung nagbubuntis konting salita lang kung ano-anu na iniisip ko.. Pero tama po sinasabi sayo ng asawa mo totoong concern sya sayoπŸ€— ngayon lang yan isipin mo po na siguro pag nanganak ka magbabgo don sya❀️

TapFluencer

I feel you sis Ganon din ako Ng buntis pa ako now nanganak na ako nung September pero stress pa din hehehe haizzz mas Malala pa nga mister ko Kasi Wala siya trabaho ilang buwan siya tingga sa Bahay db mas nakakabstress yun tapos d man lang kumikilos sa Bahay puro cp hawak πŸ˜“πŸ˜“πŸ˜“