Doctor na mukhang CS

Nakakastress OB na ang tanging option for you is i-CS 😅 jusko. I'm 37w1day preggy, open cervix na me (1cm) then nagrequest siya ng pelvimetry xray para makita if kasya si baby for normal delivery, kasya naman si baby pero sabi niya maliit daw pelvic ko. Ang sabi ng una kong OB malaki sipitsipitan ko and balakang kaya kaya ko magnormal tas nagtransfer ako sa kanya and gusto ko raw ba magtrial ng labor kase maliit pelvic ko. Jusko! Ngayon magpapa-second opinion ako, lilipat ako ng OB kahit 9 months na. May mga doktor talaga na mukhang CS

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pera pera lang yan haha mga OB aadvice sayo ng maternity milk yung gusto hanggang sa manganak lalo na at nalaman na maliit babyo kaya reresetahan ka ng pampalaki ng bata sus naman para kamo may macs sila haha🤣🤣 kaya hirap din pag uto uto ang manganganak dapat alamin muna , kasi may ob na mukhang pera mas malaki kasi bayad pag CS than normal kaya yung mga aanak dyan pa second opinion or lying in nalang may ob din naman . wag lang public kasi mamatay ka na bago ka asikasuhin , may case kasi sa kaibigan ko na pumutok panubigan then bumyahe tapos natuyuan daw nababa daw heart rate ? 😁 syempre bababa yon kasi nagpipigil ng hininga at lalabas eh ayon na cs no choice at walang alam eh 😂 kaya think twice bago mag pahiwa o ano pa man 🥲🤣😂

Magbasa pa

sa akin nun mie gusto ko magpa CS na kaso yung ob ko ayaw pumayag hangat kaya daw inormal inormal ko daw. 3 days ako sa delivery room nakikiusap nako na iCS nako dahil sobrang sakit pala maglabor talga simula kasi nung pinutok nila panubigan ko dun nako naglabor kaso ayaw parin bumaba ni bby ko kaya ending na CS nako dahil maliit daw spit sipitan ko grabe pinaranas pa sakin labor alam din pala nila na maliit sipit sipitan ko. pero sulit naman mie nung nakita ko baby ko nawala lahat nung sakit 3.7kg si baby 🙂

Magbasa pa

Bakit hindi ka mi bumalik sa una mong OB na naniniwala kasya sa sipitsipitan mo? Actually pwde ka naman talaga mag trial labor muna choice mo yun mi.. Kung hindi bumaba si baby e di Emergency CS ganon lang naman yun.. Minsan kahit malaki sipit sipitan kung hindi bababa hindi talaga bababa si baby.. Ganyan saken e anlaki ng balakang ko kasya kasi 3.2kg lang panganay ko pwede ko inormal delivery pero naka cord coil pala kaya ang ending emergency CS talaga.

Magbasa pa

Same as my experience. Gusto ako iCS ni OB kasi 39 weeks na daw, tapos may cord coil. Nasabi ko na gusto ko sa private lying in manganak kasi midwife ang aunt ko, tinakot pa ako nung last na check up ko kaya nagdecide ako magpacheck sa iba. After 2 days nung date na gusto nya na ako iCS, lumabas naman si baby, normal and healthy wala din cord coil. Saglit lang din ako naglabor. Dapat talaga pakiramdaman mo din ung sarili mo eh. Also prayers.

Magbasa pa

prmag ang gulo nung kasya si baby tpos maliit ang pelvic mo? hahaha ako kasi maliit at payat pero nainormal ko eldest ko. Tama ka may CS tlaga na CS wanr nila kasi mas malaki ng PF nila dun. May kakilala nga ako hnd nya pinagdidiet pasyente nya kasi pra syempre CS dhil malaki na si baby 😅 kaya for me maghanap tlgaa ng OB na hnd pera pera lang. Buti na alng OB ko kahit lalaki napakagaling pa.

Magbasa pa

hintayin mo nlng expected mo. and try mo mag labor at manganak ng normal. malalaman din nman ng doctor pag hindi kaya. sila mismo mag request sayo ng cs. when I was 37weeks in 5days 1cm na din ako. and now I'm 39weeks pero hindi padin ako naglalabor. palipat lipat ka ng OB. gagastos ka lng ng gagastos. and hindi nman sila nag check mung malaki sipit sipitan mo o maliit nka dpendi nman kasi sayo yun kng kaya mo.

Magbasa pa

hahaha ganyan den sakin dami pinainom ng vitamins malapit na due date ko may panibagong vitamins nanaman hahahahaha kaloka.. di naman ako maselan pero niresetahan ako ng pagkamahal mahal na duphaston kuno pampakapal daw ng ano kunon 3months ko daw inumin at sa kanya ako nabili hahau 1month ko lang ininom.. sa awa ng diyos apat kami nagsabay sabay nanganak ako lang tanging nakapag normal...

Magbasa pa

Pasecond opinion ka mii. Lipat ka na ng OB. Sad to say totoo talaga yan na may mga doctor na mukhang CS lalo na sa private hospitals. Meron nga sa private hospital kung saan ako nanganak sa 3rd child ko, kilala yung isang doctor dun na mukhang CS daw hahaha. Madalas raw kasing nacCS patients nun. Wala halos nakapila sa kanya, madami dun sa OB ko.

Magbasa pa
TapFluencer

may ganyan talagang OB. 😆. kaya nung lumipat ako ng bago agad ko sinabi sa kanya na ang budget lang namin pang normal delivery kaya kailangan namin iwork out talaga. maliban kasi sa magastos ang CS gusto namin ng maraming anak lalo at only child si hubby.

ako nga 3.2kilo si baby at naka cord coil pa sya yun ba nakapulopot ang pusod sa leeg pero nainormal ko magaling doc ko.. malaki den kasi tf nila pag cs kaya ganyan mukang cd balibhasa di sila yung maghihirap eh.. lipat kana lang mi...

2y ago

inom ka mi ng pampalambot ng cervix at pampabuka primrose oil yun.. ganon ginawa sakin ne doc eh.. 39weeks na ako mag dudue na kaya naghabol den kami from 1 cervix kinabukasan or next day 5cm na them biglang taas na.. sabayan mo ng akyat hagdan or lakad lakad