CPD mother's condition where the pelvic bone is small for normal delivery

FTM 38w1d Hi mommies...Sino po dito nadiagnosed with CPD, nainormal nyo po ba si baby nyo? sabi kasi sakin ni ob ko CPD daw ako and advised na sakin ni OB na mag pasched na for CS kasi maliit daw talaga ang chance na mag normal delivery...its either magiging super painful and matagal and labor if kakayanin, or mastress lang si baby theb ending CS pa din. #pleasehelp #1stimemom #advicepls #firstbaby

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

d ko alam kung same case sakin yan kasi nag labor po ako then tinignan ng nurse kung ilang cm na. medyo nabahala po sila nung nalaman na maliit sipit sipitan ko tapos may nakaharang daw na buto? nasikipan sila sa pwedeng daanan daw ng baby ko.. tapos sinuggest nila na baka daw i-cs nila ako. gagawan na sana nila ako ng referral para itransfer sa ibang hospital kasi private lying in lang kasi yun. then pinauwi nila ako advice sakin na maglakad lakad daw at wag masyado umire para daw d daw pumutok panubigan ko. tapos wait ko daw text nila para ma check daw ng doctor. mga ilang oras din po nakatanggap ako ng text from lying in tapos dun nga ko chineck ng doctor. same sa sinabi ng nurse sakin yung sinabi ng doctor pero itatry labor daw nila ko. kaya dapat daw makipag cooperate ako. like lakasan ko daw loob ko at galingan ko daw sa pag ire πŸ˜… pag d daw kaya dun daw nila ko isusugod sa pinaka hospital nila para ma cs. pero thank god po. naging normal delivery po ako πŸ˜‡ then nasa 3.3 yung baby ko pero sa ultrasound ko nasa 3.6 sya at masasabi ko po na magaling po yung nag paanak sakin 😊medyo nawakwak nga lang kepay ko, mahaba yung tahi πŸ˜… malapit na sa butas ng pwet ko. pero worth it naman po. suggest ko lang din po na cs man po or normal. wag matakot. ang mahalaga po maging safe kayo ni baby 😊

Magbasa pa
3y ago

thank you mommy..

Hi po, ano pong pinagawang test para malaman po yan?

3y ago

Opo basta safety nyo po ni baby ang priority. Good luck po!