I Need Comfort

Nakakasama lang ng loob yung malayo na nga sya para damayan ka sa lahat ng pinagdadaanan mo, sa stress ng paglilihi, maghapon ka lang nakahiga sa sama ng pakiramdam, nilalagnat ka, wala ka ng energy kakasuka, wala ka ng nakakain, naiiyak ka na lang talaga. Tapos me hindi ka man lang nya magawang tawagan para icheck kung kamusta ka na ba? Mas importante pa sa kanya ang mag games o manuod ng movie o baka nga makipagchat sa ibang babae. Nakakasama lang ng loob na kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito na mag isa, kung alam lang nya yung hirap na pinagdadaanan ko sana naman kahit konting participation lang gawin naman nya yung parte ng pagiging ama nya sa magiging anak namin. Sobra nakakasama lang ng loob, sobra sobra nakakaiyak talaga.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

focus ka nalang po kay baby. i know how hard it is. been there po mommy. to the point na naconsider ko na na kami nalang ni baby out of the picture na yung daddy. pero naging ok din naman lahat. be strong po. kausapin mo lagi si baby. and pray. 🙏

7y ago

Salamat momsh, mahirap pinagdadaanan pero kakayanin para Kay baby.