Baby shaming

Nakakasama lang ng loob bilang isang ina na pabiro nilang nilalait ang anak ko. “Mataas ang ilong” “Patangusin mo ilong ng anak mo” “Pango” Tinatawanan ko lang nung una, pero paulit ulit na lalaitin ung anak ko ang sakit pala. May ginawa bang masama ung anak ko para laitin ng ganon. Masakit para saken na sa lahat ng hirap ko simula nung pinag bubuntis ko sya hanggang sa pag papanganak ko sakanya. Akala ko matatapos na, yun pala mas masakit pa ung mga lait ng tao kesa sa literal na sakit na naramdaman ko nung nag labour ako. Di ko akalain na di makakaligtas sa panlalait ang anak ko. Normal ko naman pinanganak ang baby ko ng dahil lang sa hindi matangos ang ilong nya kailangan nyang makatanggap ng mga mapanglait na salita 😭😭💔💔

Baby shaming
96 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tanong mo "bakit, akala mo di ka pango? At least baby ko kahit di matangos ilong, cute. E ikaw?" 😂

your baby is so cute 😍 dont mind what others are saying 😊 ang importante my baby ka 😊

Basta healthy si baby, mommy. Hwag mo na isipin mga comments nila.. ❤️❤️❤️

ikaw mommy unang tumanggap kay baby ❤ hayaan mo sila kung may negative na sasabihin

VIP Member

huwag mo na lang sila pansinin mamsh. focus ka lang kay baby para di ka malungkot.

Ignore them mommy. Your baby is a gift from God. Wag ka papaapekto sakanila. 😊

Uso nman karma sis instant pa nga eh. Pag pray mo nlng sila. Cute ng baby mo.

don't mind them ang cute ng baby MO parang baby KO lng Ilan buwan na sya

Ang pogi kaya ni baby! Ignore them mommy. Wala silang ambag sa buhay mo. 🤗

same hinahayaan ko nalang! haha to be exact lola pa yun nung bf ko haha 😅