Ruth Anne Tuazon profile icon
GoldGold

Ruth Anne Tuazon, Philippines

Contributor

About Ruth Anne Tuazon

Nurturer of 1 naughty little heart throb

My Orders
Posts(36)
Replies(265)
Articles(0)

My experiences before & few hours after I gave birth (long post ahead)

Hi, mommies! Chikahan muna tayo habang pinapatulog ko si LO hahaha. 10 months na siya pero sa tuwing naaalala ko 'tong mga 'to, nanghihinayang pa rin talaga ako. (1) Ako lang ba 'yung nanghinayang na walang magandang picture si LO nung pagkapanganak niya? Then 'yung bonnet niya that time was too tight. Hindi siya napicture-an ng maayos :( Pero pinalitan din naman kaso hindi pa rin maayos pag picture haha. Because everytime I open this app, lagi akong may nakikitang mga moms posting their new born baby na maayos ang picture. Congrats to all mommies who just gave birth! ❤ (2) Tapos pinag bawalan akong gumamit ng cellphone maski few minutes lang. Nakakabinat daw. Sobrang nanghihinayang ako na I wasn't able to document it ng maayos. Ako pa naman, sobraaang hilig ko mag take ng pictures. For me, important na may pictures sa mga special events haha. (3) Isa pa, 'yung towel na naituro ko na gagamitin ni Baby, color pink hahaha Akin dapat 'yun eh tapos white dapat sakanya. Kainis! 😂Hindi ako nag isip ng maayos nun kasi akala ko gagamitin pamunas sakaniya, ipangsasapin pala sa higaan niya. Baby Boy pa naman. (4) Hindi agad binigay si Baby sa'kin :< Sa Lying In lang ako nanganak that time. Pero hindi ko siya nahawakan kaagad. Siguro after 30 mins or 1 hr tyaka ko lang nahawakan and napadede. Mangiyak ngiyak ako sa tuwa nun hehe. (5) Last na 'to hehe. Nasasad ako kapag naiisip ko na that time, wala 'yung partner ko. Bago palang kasi siya sa work niya noon at late na rin out niya kaya hindi nakaabot. Plus wala kaming picture that day with baby. :'< Then 'yung mga taong gusto ko sana present that time, late na sila nakapunta. Kaya habang naglelabor, 8 cm na ako noon at 7:00 PM. Umaasa ako na kahit 12:00 AM nalang lumabas sana si Baby hahaha. Para nandoon sila and para December Baby rin. Kaso naexcite ata siya at hindi na nahintay Daddy and Grandparents niya. 7:30 PM siya lumabas ng November 30, 2019 haha. Anyone who can relate sa mga naishare ko? Kayo naman mga mommy! Share rin kayo sa comment section ❤ Picture taken noong pag uwi na namin nung morning hehe. #pregnancy #1stimemom #firstbaby #breasfeedingmom #theasianparentph

Read more
My experiences before & few hours after I gave birth (long post ahead)
undefined profile icon
Write a reply