Baby shaming

Nakakasama lang ng loob bilang isang ina na pabiro nilang nilalait ang anak ko. “Mataas ang ilong” “Patangusin mo ilong ng anak mo” “Pango” Tinatawanan ko lang nung una, pero paulit ulit na lalaitin ung anak ko ang sakit pala. May ginawa bang masama ung anak ko para laitin ng ganon. Masakit para saken na sa lahat ng hirap ko simula nung pinag bubuntis ko sya hanggang sa pag papanganak ko sakanya. Akala ko matatapos na, yun pala mas masakit pa ung mga lait ng tao kesa sa literal na sakit na naramdaman ko nung nag labour ako. Di ko akalain na di makakaligtas sa panlalait ang anak ko. Normal ko naman pinanganak ang baby ko ng dahil lang sa hindi matangos ang ilong nya kailangan nyang makatanggap ng mga mapanglait na salita 😭😭💔💔

Baby shaming
96 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag yan lumaking gwapo "who you silang lahat 😊.. wag kna lng papaapekto mommy.. Mga utak nila ung panget! 😁😁

hayy naku mommy focus kanalang on the positive side , hayaan mo yang mga nega na yan nakakahawa lang ng bad vibes yan

VIP Member

Dedmahin mo na ang momsh. Your baby's worth isn't measured by their opinions. God Bless po sa inyo ni baby. 🙏❤

Same tayo momsh MIL at LIP ko mismo nagsasabi nyan. Kamukhang kamukha ko daw kaya panget 💔 lugi daw sila 💔

VIP Member

ignore mo na lang mommy importante malusog si baby..mga anak ko pango din pati ako mana kami sa nanay ko kc🤣

atleast nakakahinga mommy. suntukin mo sa ilong yung mga nalalait kay baby mommy para di na sila huminga.

VIP Member

wag niyo na po silang pansinin mommy. wag ka mastress makakasama po yan sa inyo. cute nga po ng baby niyo e.

Yung anak ko din walang bridge ang ilong. Massage mo nalang Momsh parang tumangos. Hahaha! Charot lang. 😅

laitin mo din yung nanglalait. wag kng papayag sis. pero sa pabirong paraan din. haha gantihan lng 🤣🤣

Don't mind them... They are just too judgemental... Focus on your baby and not on their opinions momm!!!