Baby shaming

Nakakasama lang ng loob bilang isang ina na pabiro nilang nilalait ang anak ko. “Mataas ang ilong” “Patangusin mo ilong ng anak mo” “Pango” Tinatawanan ko lang nung una, pero paulit ulit na lalaitin ung anak ko ang sakit pala. May ginawa bang masama ung anak ko para laitin ng ganon. Masakit para saken na sa lahat ng hirap ko simula nung pinag bubuntis ko sya hanggang sa pag papanganak ko sakanya. Akala ko matatapos na, yun pala mas masakit pa ung mga lait ng tao kesa sa literal na sakit na naramdaman ko nung nag labour ako. Di ko akalain na di makakaligtas sa panlalait ang anak ko. Normal ko naman pinanganak ang baby ko ng dahil lang sa hindi matangos ang ilong nya kailangan nyang makatanggap ng mga mapanglait na salita 😭😭💔💔

Baby shaming
96 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mommy. Ang cute ng baby mo 😊 Hayaan mo magsasawa din yang mga tao sa paligid mo... Mas magiging cute pa ang mga baby kapag lumakilaki na...

Huwag mo pansinin momsh.kapag nagsasalita sila ng ganun ngitian mo lng.Ang importante healthy si baby,di bale ng pango.cute cute nga ni baby ie.

TapFluencer

ok lang yan mamsh..ako din baby ko tawag namin walang ilong..🤭 wag mong masyadong dibdibin sinasabi nila basta healthy c baby..😍

Post reply image

Sagutin mo! Mas kalait lait ugali nila kamo, tska kahit ano yan anak mo anak mo yan wala na silang pake don. Kagigil yung mga taong ganun.

Ang perpek naman ng mga nagsasabi nun. Maski baby pinapatulan. Pag baby ko ginanyan sa harap ko, maghahalo talaga lahat pwedeng maghalo.

Wag mo nlang po pansinin momsh😯😪feeling perfect yung mga taong ganyan..ang importante po may ilong po at may labasan ng hininga..

matangos man o pango ang ilong ng anak mo meron kp rin maririnig n panlalait s mga insecure at pkielamerang mga nakapaligid sau.

ignore mo nalang po mommy may mga tao talaga na mga insensitive, at hobby nila manlait iwas iwas ka nalang sa mga ganun .

okay lang yan . baby ko nga rin pango lagi din sinasabihan ng ganun pinipisil pa ilong pero ok lang yun wag na lang paapekto

VIP Member

ako din sinasabihan ng ganyan si baby ko, "anak nga ng kano pango namn." ganti ko nilalait ki din yung nanlait🤣🤣🤣