sa sobrang stress parang gusto ko na lang mawala πŸ˜”

Nakakapagod ang problema yung tipong suko kana kaya lang naalala mong may baby kang maiiwan kung magpapakahina ka. Ang hirap din pala na sinasarili mo yung problem akala ko mas okay yun kase para hindi n din problemahin ng iba (pamilya). Haist Lord hindi naman po sa kinukwestyon ko ang mga plano mo para sa akin, sa amin sana naman po wag naman yung sunod sunod baka hindi ko kayanin 😭. Ikaw na lang po ang bahala sa akin ilalaban ko to para sa anak ko πŸ™πŸ»πŸ’ͺ😭 IIYAK PERO HINDI SUSUKO. PS. padaan lang po walang mapag labasan ng sama ng loob eh kaya dito na lang.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May sshare ako sayo πŸ™‚ dati nung maaga ako nabuntis sa panganay ko yun yung time na kakamatay ng mama ko. binalak ko tumalon sa building kasi sabi ko mag isa nalang ako yung tatay ko naman laging galit sakin.. Tapos Hindi ko din nagawa tumalon kasi naisip ko na kawawa yung baby na nasa tiyan ko gusto ko makita nya din ang mundo, gusto ko maramdaman nya din kung gaano kasarap mabuhay.. Then namatay din tatay ko, as in solo nalang ako sa buhay. Madaming iniwan na utang ang tatay ko and hinahabol ako ng mga inutangan nya.. hindi ko maintindihan ang gagawin ko.. Nag ppray lang ako dati talagang sabog lagi ang iyak ko. Tapos nitong malaki na ang anak ko sabi ko ayy kaya pala ako nagka baby ng maaga para magkaron ng kasama sa buhay.. Halos sumuko din ako kasi pang MMk ang buhay ko.. Wag kang susuko mommy! pag masama ang loob mo sulat ka lang sa notebook.. hanggang ngayon may notebook ako. Doon ko sinasabi lahat ng sama ng loob ko, lahat ng hinanaing ko.. kasi doon hindi ako mahuhusgahan ng tao. Wag ka mag sawa mag pray ha! Wag mo sarilinin ang problema masakit sa dibdib yan.. Sulat ka sa notebook, baka makatulong din sayo πŸ™‚.. mapagaan ang nararamdaman mo.

Magbasa pa
VIP Member

nd man po nmin maintndhan kng ano po napagdadaanan nyo, wag ka po mawawalan ng pag-asa. habng may buhay tau, ang Diyos ang aalalay sa atin. hindi Nya tayo bbgyan ng suliranin na nd ntn kakayanin. lagi po ntng icpn pag me bngay po sa ating pagsubok, kya po ntn itong solusyunan at kapit lang po sa Knya. iyuko lang po ang ulo sa pnalangin at diringin Nya po khit ang mahinang bulong ng puso nyo po. πŸ™πŸ»

Magbasa pa

kapit lang po lalo na para kay baby.

Related Articles