sa sobrang stress parang gusto ko na lang mawala πŸ˜”

Nakakapagod ang problema yung tipong suko kana kaya lang naalala mong may baby kang maiiwan kung magpapakahina ka. Ang hirap din pala na sinasarili mo yung problem akala ko mas okay yun kase para hindi n din problemahin ng iba (pamilya). Haist Lord hindi naman po sa kinukwestyon ko ang mga plano mo para sa akin, sa amin sana naman po wag naman yung sunod sunod baka hindi ko kayanin 😭. Ikaw na lang po ang bahala sa akin ilalaban ko to para sa anak ko πŸ™πŸ»πŸ’ͺ😭 IIYAK PERO HINDI SUSUKO. PS. padaan lang po walang mapag labasan ng sama ng loob eh kaya dito na lang.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po yung author for how many time na nakikita ko yung asawa ko na may ka chat na ibang girl masakit po para sakin kahit na sabihin nyang wala lang yun, dumadagdag pa na naaksidente sya at nakadamay ng 2 sasakyan (1 trickel at 1 hi lux) sa hilux pa lang laking gastos na ipinang utang namin yun kahit walang kasiguraduhang may maipapang bayad kame para lang hindi mapa deport ang asawa ko kase yun ang panakot ng pulis samin not knowing na hindi naman pala aabot sa ganun, Indian po asawa ko, kaya akala nila madami kameng pera hindi nila alam lubog na lubog na kame sa utang kaya pinipilit naming makapag trabaho kahit halos wala kameng masingil sa araw araw, mahirap pa na may mga kasams kame sa bahay na minsan hindi nya nakakasundo kase mga tamad na ako lang gumagawa lahat sa bahay. Then kahapon may bisita kame na kaibigan nya may asawang pilipina din at kinausap ako sabi nya yung asawa ko daw bastos daw ang bibig kase sinabihan daw tamad yung asawa nya so ako nagulat hanggang sa hindi na ako nakaimik kase derederetso na yung sermon nya sakin kase ako saw may kasalan kung bakit ganun asawa ko hindi ko daw tinuturuan ng magandang asal, ako naman sa sarili hindi naman kame perpekto. kaya lang sobrang nasaktan lang ako sa sinabi nyang ilang taon na kayo hanggang ngayon wala pa kayong naipundar? kase ako daw maghugas at mag linis lang daw ang alam ko ni hindi ko daw tinutulungan asawa ko magtrabaho, sa loob loob ko hindi ko naman ginustong malugi kame hindi ko naman akalaing lolokohin kame ng mga customers namin tatakbuhan. 1 month pa lang akong nakaka panganak sa baby ko naningil nako lakas loob akong nagtrabaho kahit pa pinapagalitan ako ng pamilya ko kase mahirap nga daw kung mabinat ako breastfeeding ako iniiwan ko dati ang baby ko nag pupump ako kahit 1 bottle lang dahil by lunch uuwi nako kase masakit na sa dede lahat naman ng diskarte ginagawa namin kaya lang mailap pa ang kapalaran samin sa ngayon.

Magbasa pa
10mo ago

maraming salamat po sa pagunawa feeling ko magisa lang ako ni hindi ko maikwento sa family ko kase ayaw kong sumama ang tingin nila sa asawa ko, kung sa kaibigan naman ako magsasabi kung ano ano din naman naririnig ko yung iba dedma na lang kaya sinosolo ko na lang yung nararamdaman ko salamat sa app nato kahit papano parang may nakakausap na din ako salamat po ng marami 😊 kahit papano ngayon hindi ko na masyado dinidibdib yung mga bagay bagay.

Related Articles