EBF vs Formula Feeding

Nakakalungkot makita na yung ibang mga nanay na may kakayanang mag EBF e napaka baba ng tingin sa mga nanay na walang choice kundi magformula. Breastmilk is best. Oo, pero wag nyo naman ipamukha sa ibang nanay na napakasama nilang tao pag nagformula sila dahil wala naman silang choice kung wala talagang gatas ang dede nila. E sa wala talaga kahit ilang linggo at ilang buwan na ipasuso e. Akala nyo ba ayaw nila magpasuso? Nangarap din magbreastfeed yang mga yan pero di talaga nila kaya. Wag nyo naman mata-matahin. EBF moms are the best moms in the world at napakaperfect nyo po. Sure. Keep it up.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hi mommy. I feel you po. Ganyan ang nramdaman ko dati nung struggle tlaga ako sa bf. Mixfeed si lo ko until 2 months but through pump lng kasi ayaw tlaga nya dumede sakin nagwawala tlaga, syempre as a first time mom wala pa akong idea sa mga ganyan. 2 months and so on full formula na sya. Dati nasasaktan ako pag mga ibang mommies na ebf ang liit ng tingin sayo, sasabihin pa na junk food daw ang fm. Lahat na ginawa ko pero wala pa din. Habang lumalaki si baby natuto nakong dedmahin ang ganyang issue kasi nakita ko ang anak ko malusog, hndi sakitin, matalino at very active. Hndi base sa pagpapadede ang magiging outcome ng paglaki ni baby o yung pagiging ina mo. Be proud to yourself mommy kaya mo yan and you will overcome it 😊

Magbasa pa