EBF vs Formula Feeding

Nakakalungkot makita na yung ibang mga nanay na may kakayanang mag EBF e napaka baba ng tingin sa mga nanay na walang choice kundi magformula. Breastmilk is best. Oo, pero wag nyo naman ipamukha sa ibang nanay na napakasama nilang tao pag nagformula sila dahil wala naman silang choice kung wala talagang gatas ang dede nila. E sa wala talaga kahit ilang linggo at ilang buwan na ipasuso e. Akala nyo ba ayaw nila magpasuso? Nangarap din magbreastfeed yang mga yan pero di talaga nila kaya. Wag nyo naman mata-matahin. EBF moms are the best moms in the world at napakaperfect nyo po. Sure. Keep it up.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dedma lang sa mga yan. Maging healthy man anak mo o hindi wala naman silang ambag sa pagpapalaki ng baby mo. Dami din nagsasabi sakin niyan bakit di daw ako magpa-BF eh sa wala ano magagawa ko. Lahat na ng supplement, hilot, tubig, malunggay at sabaw, unlinlatch ginawa ko ni hindi umaabot sa 1 oz milk ko. Yun pala namana ko sa mom ko na siya samin dati wala din. Kaya kalokohan yung sinasabi nila na lahat nakakapagpa-breastfeed meron at meron na hindi at hindi SIN yun. Kaya sa mga mommy na gusto magpayo ng mabuti good yan, pero kung mamumuna ka lang sa kapwa mommy mo hindi tama yun, tumahimik na lang kung makakasakit ka ng kapwa. Palakihin natin ng maayos mga anak natin sa way na alam natin mabuti para sa kanila. Iba-iba tayo pero same goal lang.

Magbasa pa