EBF vs Formula Feeding

Nakakalungkot makita na yung ibang mga nanay na may kakayanang mag EBF e napaka baba ng tingin sa mga nanay na walang choice kundi magformula. Breastmilk is best. Oo, pero wag nyo naman ipamukha sa ibang nanay na napakasama nilang tao pag nagformula sila dahil wala naman silang choice kung wala talagang gatas ang dede nila. E sa wala talaga kahit ilang linggo at ilang buwan na ipasuso e. Akala nyo ba ayaw nila magpasuso? Nangarap din magbreastfeed yang mga yan pero di talaga nila kaya. Wag nyo naman mata-matahin. EBF moms are the best moms in the world at napakaperfect nyo po. Sure. Keep it up.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mix feed si baby ko. I remembered nung una namin syang painumin ng formula. 2 weeks akong nagtyaga sa kakainom ng kung ano anong pampalakas ng milk, pagmassage sa boobs, hot compress, etc. Pero hindi lumakas milk supply ko. Nagkanda sugat sugat na rin utong ko that time kaka pa latch ko kay baby coz im desperate na mag EBF pero ganun pa rin yung supply, kulang pa rin kay baby. Kaya nung iyak ng iyak yung baby ko at kakapiranggot na gatas na lang lumalabas sakin, sinabi sakin ng asawa ko na "pano yan? Bibilhan na natin ng gatas yan?? (with a stare na parang kasalanan ko pa). I cried and told him na i did my best at nakikita nya naman yun. So nagdecide kami na imix feed si baby with a quality formula milk khit mahal basta mamaimtain lang yung nourishment nya. Ngayon mostly bf na si baby at 3 bottles of formula n lang sya per day. 😊

Magbasa pa