FM over BM

Nakakalungkot lang makita yung mga mommies na inumpisahan ang breastfeeding tapos 1-2months lang ililipat na agad sa FM. Kesyo magtatrabaho na daw, mahina supply, etc. Bakit di kayo magpump at work, RIGHTS NIYO PO YAN. May law po na dapat bigyan kayo ng time magpump at work. Ano ba naman ung mag invest ka sa pump, sa insulated bag, sa storage bags/bottles kung maiiwasan mo naman gumastos pag nagkasakit anak mo. Mas magastos un. Mahina supply mo? Breastfeeding is applicable to the law of supply and demand. So kung mas madami ang demand mas dadami ang supply. Unli latch mo te, wag mag mix feed kasi di dadami supply mo te kahit anong pump at laklak mo ng lactation aid. Plus lots of sabaw at water! Kung unli latch naman si lo pero tingin mo parang kulang kasi nagiiyak parin sya.. consider growth spurt bago sabihin na mahina supply mo. Meron talagang bata na every 30mins. Gusto nakadukdok sa dede. Its their way of soothing theirselves. Enjoyin nio narin sana kasi minsan lang sila bata diba? ? Isa pa! Ung mga nanay na lakas magsabi "ok lang may pera naman kami pambili ng formula" bakit ang mga artista milyon milyon ang pera pero pinipili magbreastfeed?! Sige nga?!Di naman kayo pinipigilan sa pagfoformula feeding niyo, pero yung ganyan ang sabihin niyo? Parang sinabi niyo na dukha lang ang dapat magbreastfeed. Aminin niyo may mga ganyan magsalita e. Nakakaburaot. Haha. Again im not against FM kasi alam ko minsan need na magstop mag BF kasi may sakit, may kailangang inuming gamot na di pwede for BF. Pero ung mahina supply, di makapagBf Kasi magwork na? di ko makitang valid reason lalo na kung andami ng ways para masolve un. Educate yourselves mga te. Look for a lactation consultant, watch youtube videos, ask help from other BF mothers. PUSH FOR BREASTFEEDING WHILE YOU CAN.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

It's a good thing that many of us are breastfeeding advocates but we can't blame those who mixed/formula feed. I know someone whose depression went away when she stopped breastfeeding. The pressure nowadays on bf napakalaki, nadedepress tuloy yung mga di makapagprovide. Giving formula milk to your LO does not make you less of a mother. Fed is best.

Magbasa pa
6y ago

Exactly what I went through. Preggy pa lang ako talagang tinatak ko sa isip ko na magbibreastfeed ako kasi dun sa panganay ko di ko talaga nagawa. But then, I think hindi talaga siya para sakin. Both me and my LO tried so hard to latch pero talagang si LO umaayaw dahil na din sobrang pagkainvert ng nipples ko. Napapagod siya magsuck. Then pinush ko pa rin, nagpump ako ng nagpump, pero my supply did not go up. Okay pa first month kasi sapat pa yung nakukuha ko pero while the baby grows, stuck talaga yung dami ng nakukuha ko. I ended up blaming myself kasi bakit di ko magawa. I used to think na napakawalang kwenta kong ina kahit na laklak ako ng laklak ng mga milk boosters, pump dito pump doon. Traded rest and sleep para makastick sa schedule. Did everything but to no avail. Then nagintervene na asawa ko kasi nahahalata na nya ang resulta sakin psychologically. Okay na daw yun na naibigay ko gatas ko until 3 months. Magpahinga na daw ako at iformula namin si baby. Mas naaalagaan ko baby