FM over BM

Nakakalungkot lang makita yung mga mommies na inumpisahan ang breastfeeding tapos 1-2months lang ililipat na agad sa FM. Kesyo magtatrabaho na daw, mahina supply, etc. Bakit di kayo magpump at work, RIGHTS NIYO PO YAN. May law po na dapat bigyan kayo ng time magpump at work. Ano ba naman ung mag invest ka sa pump, sa insulated bag, sa storage bags/bottles kung maiiwasan mo naman gumastos pag nagkasakit anak mo. Mas magastos un. Mahina supply mo? Breastfeeding is applicable to the law of supply and demand. So kung mas madami ang demand mas dadami ang supply. Unli latch mo te, wag mag mix feed kasi di dadami supply mo te kahit anong pump at laklak mo ng lactation aid. Plus lots of sabaw at water! Kung unli latch naman si lo pero tingin mo parang kulang kasi nagiiyak parin sya.. consider growth spurt bago sabihin na mahina supply mo. Meron talagang bata na every 30mins. Gusto nakadukdok sa dede. Its their way of soothing theirselves. Enjoyin nio narin sana kasi minsan lang sila bata diba? ? Isa pa! Ung mga nanay na lakas magsabi "ok lang may pera naman kami pambili ng formula" bakit ang mga artista milyon milyon ang pera pero pinipili magbreastfeed?! Sige nga?!Di naman kayo pinipigilan sa pagfoformula feeding niyo, pero yung ganyan ang sabihin niyo? Parang sinabi niyo na dukha lang ang dapat magbreastfeed. Aminin niyo may mga ganyan magsalita e. Nakakaburaot. Haha. Again im not against FM kasi alam ko minsan need na magstop mag BF kasi may sakit, may kailangang inuming gamot na di pwede for BF. Pero ung mahina supply, di makapagBf Kasi magwork na? di ko makitang valid reason lalo na kung andami ng ways para masolve un. Educate yourselves mga te. Look for a lactation consultant, watch youtube videos, ask help from other BF mothers. PUSH FOR BREASTFEEDING WHILE YOU CAN.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di nmn sguro lahat sa eldest ko mix ako until 9mons sia kasi lmalaki na mas lalo nkkulangan sa gatas ko tsaka mgwork dn ako pero pano ka magppump kung wala nmn kaung ref? well. Hndi pwede tmgal ang bm kpg wala sa ref. then sa second kong anak i tried na ibf sia pero wla nag wawala lng. hndi nadede So anong sbi skn ng nagpaanak ifm mo muna kasi ilng hrs na ayw pdn dumede skn at wla padn ako milk umiinom ako ng mga pampagatas pero waley epek kasi pwede madehydrate si bby pag hndi mo napadede after an hour. Sa 3rd bby ko nmn i was trying pdn and hoping na lumkas ung gatas ko so hndi tlga nasstressed ako kasi gsto ko sia ipadede skn pero ngwawala sia no choice dn ako kasi d nmn ako gnon na nkakakain ng msabaw ksi si hubs lgi maaga naalis madliang luto n nggwa nmn pminsan and wala kmi ksma sa bhy kundi ako lng tlga nung nnganak ako wla nko paremts so wla nko aashan. So dmo pwede bsta ijudge ung mga taong nag ffm kasi tnatry nmn best nmn na mag pabf. sno b nmng nanay ang d mtutuwa pag nag pa bf. Malusog na anak mo d sakitin + nkatipid kapa

Magbasa pa

Aga aga ito makikita ko. Mixed feeding ako sa lo ko. Una, dahil hindi sya nabubusog sa gatas ko. Kahit gano sya katagal dumede sakin hindi sya nabubusog, hindi sya nakakatulog. So kailangan ko sya iformula para lang makatulog sya ng mahimbing. Bakit ko ipipilit sa breastmilk lang sya kung hindi nga sya mabusog pati makatulog ng maayos? Ano para lang masabi ko na pure breastfeeding sya? 🤦‍♀️ and mag pump sa work? Bakit akala mo ba lahat ng trabaho may maluwag na schedule para magkaroon ng madaming time makapag pump? Lalo na yung mahina ang gatas ng nanay. Kahit ilang minutes na nagpa pump wala ng mailabas na gatas. So stop acting like you know everything. Stop degrading us na mixed feeding or ilang buwan lang nagpa breastfeeding. Cause you know nothing, try to be in our shoes first before you judge us. 🙄 ang dami mong say pero naka anonymous ka naman. 🤣

Magbasa pa
5y ago

naka2 hurt po nu, kala nya ata ganun lang kadali ang lahat,

Luh? Ano pnaglalaban nito? Ako sa 5 yrs old q sguro nsa 1-2 months q lng npadede. Una sa lhat wla tlgang nalabas na gatas sken for 3 days. Araw2 aq hinilot meron pa nga ksamang sibuyas pnapakain ng kng anu ano. Lahat gnawa nmin pra lng mgkagatas aq. For 3 days ano gagawin nmin ndi padededein gnun?? Alam mo nmn sguro pano umiyak ung baby na gutom. Sbi nga nla d bale mtanda gutom wag lng baby. Tpos nung lumabas nga gatas q ang konti ng supply as in. D q naexperience ung naglileak tulad ng iba. Pro nagpapadede p dn aq. After dumede sken josme iiyak pa e d papadedein ng fm at ml yun tulog agad. So gnun routine nmin lagi. Dede muna sken bago fm. So npansin nla ndi tlga nbubusog. Kya nung ngstop sya mgdede sken prang magic lng.dn na nwala gatas q. Ndi q naexperience ung naninigas na yan at msakit dede kse ndi nadede o nlabas gatas.

Magbasa pa
5y ago

Mas nakaka-frustrate ung laki laki ng dede ko wla nmn laman na gatas haha. For 3 days lhat ng mga nkagawian ng mtatanda gnawa sken. Hilot hilot kht nhihiya aq sa mga humahawak ng dede ko hahaha. Josko kng anu ano na mga pnag gagawa sa dede ko pra lng lumabas gatas. Ay nku lhat ng pmanhiin at bawal dpat sundin kse province to at respeto sa mga mtatanda😅😅😅

Hi. Breastfeeding mom here but I know someone who has 6 children yet never was able to breastfeed any of them. She's not sick and she's not rich. She's a stay-at-home mother. She tried but nothing ever came out of her breasts. When she saw me successful in breastfeeding my baby, she looked jealous and a little sad. Kept asking me how it felt because her children just never was able to feed from her. I don't know but there are just mother's who CAN'T, I think? But still, formula feeding doesn't make them any less of a mother. I do wonder, though, kung bakit kaya hindi talaga nag work sa kanya. Sad lang. Kasi mas strong ang bond pag nag breastfeed. But those who chose to formula feed, whatever their reason is, deserves din naman po ng respect sa decision nila. 😇😊

Magbasa pa
VIP Member

In my case, kakapanganak ko pa lang kay LO (January 3), pinasok na agad sya sa NICU hanggang sa na-discharge kami nung January 7. It could have been the perfect time na mapalakas ko milk supply ko pero unfortunately, limited lang ang time namin ni baby magsama. And besides, may tahi ako so pahirapan pagpunta sa NICU. So yun nga, hindi kami nakapag-unli latch plus given na talaga na mahina milk supply ko. Ayokong magutom anak ko, that's why I decided na i-formula muna sya. Ginagawa ko naman lahat ng dapat gawin. I'm taking Natalac, drinking Milo, at syempre yung masasabaw. Right now, better na yung milk supply ko buy I'm still not confident na enough sya, kaya nagmi-mix pa rin kami. Ang importante saken is mabusog ang anak ko.

Magbasa pa

mommy ako ng fm sa baby qoe pero mixed qoe sya nag dede nmn sa skin kaya lng konti lng talaga gatas qoe png3 baby qoe na to ganon din sa dlawa kong na unang baby lahat na ginawa qoe nag pupump iinom ng natalac at kung ano png supplement pmpa increase kada kain higop sabaw.i drink lots of water too kaya lng ganon padin na dedepress aqoe ksi ganon kesa magutom anak ko diba..hindi namn ibig sabihin ng fm ka eh mayaman kana at ma pera syempre nanay ka ayaw mo magutom anak mo, hindi nmn lahat pare parehas mamsh, asawa qoe mismo nag sabi mamsh na ibili na ng fm milk si baby kse iyak ng iyak supportive nmn husband qoe, pero atleast kahit na dede sya fm na papadede qoe prin sya sakin kasi mixed kmi...

Magbasa pa

Ako napakarami ng gatas ko talagang tumuturumpit sya sa sobrang lakas tas nag pump pako kahit malakas haha.. Andami ko pang nasayang na gatas.. Since cs ako una bote anak ko then ayaw nia sa akin so ayun tiniis ko talagang hindi ko sya pinadede sq bote pure skin na sya kahit iyak ng iyak.. Then tadaan ok na sumunod na araw dami ko ng gatas gang sa nilagnat pa ako haha 😂 hanggang ngayon dami ko padin gatas 6months old na si baby.. Kaya tipid kami sa gastos.. Payo ko lang sa mga momsh habang pinapa latch nio kahit walang nkukuha si baby.. Ituloy nio lang kasi lalakas ng lalakas yan habang pinapasipsip nio po. At korek po. Sinabi ni dto sa article nato 😊😊

Magbasa pa

We’re all different people who grew up with different circumstances and beliefs. You can’t impose decisions on other people especially on how they want to raise their children. You’re nobody to judge people whether their decision to formula feed their child is a valid reason or not. Keep your unsolicited advise to yourself. P.S. I’m exclusively breastfeeding my son but I never had thoughts like this about other mothers. Best is always a well fed baby regardless if s/he is breastfed or formula fed.

Magbasa pa
5y ago

kudos to you mommy sa pagiging maunawain..

My every reason ang mga mommy wag ka mag judge you dont have the right hindi mo sila kilala. Like me sa elder ko since nsa NICU baby ko paglabas for 5 days wlang nag latch sakin for that period at formula na pinadede nila sa baby ko. Pagkauwi namin sa bahay dun na puspusan ang effort ko mag BF kaso tinutulak nya ako ayaw tlaga nya kahit pa nsa bottle na ung milk ko kasi I used pump ayaw nya inumin mas kaya as a mom ayaw ko magutom ung anak ko a iyak ng iyak after 2 months pure FM na sya. Lucky ung anak ng kpatid ko un ang taga ubos ng milk ko.

Magbasa pa

You're one of the reason kung bakit nadedepress ang ibang moms. Sana lawakan mo isipan mo. While there are cases na true jan sa sinabi mo, there are some na hindi talaga kaya. Pero kahit na, wala ka parin sa posisyon para maliitin at ijudge ang mga nanay na pinili mag FM because you are not them. Successful ka sa BF journey mo? Congrats to you! You judge those who arent? Shame on you. Whatever choice a mother makes, as long as her child is healthy and happy, then it's really none of your business.

Magbasa pa