FM over BM

Nakakalungkot lang makita yung mga mommies na inumpisahan ang breastfeeding tapos 1-2months lang ililipat na agad sa FM. Kesyo magtatrabaho na daw, mahina supply, etc. Bakit di kayo magpump at work, RIGHTS NIYO PO YAN. May law po na dapat bigyan kayo ng time magpump at work. Ano ba naman ung mag invest ka sa pump, sa insulated bag, sa storage bags/bottles kung maiiwasan mo naman gumastos pag nagkasakit anak mo. Mas magastos un. Mahina supply mo? Breastfeeding is applicable to the law of supply and demand. So kung mas madami ang demand mas dadami ang supply. Unli latch mo te, wag mag mix feed kasi di dadami supply mo te kahit anong pump at laklak mo ng lactation aid. Plus lots of sabaw at water! Kung unli latch naman si lo pero tingin mo parang kulang kasi nagiiyak parin sya.. consider growth spurt bago sabihin na mahina supply mo. Meron talagang bata na every 30mins. Gusto nakadukdok sa dede. Its their way of soothing theirselves. Enjoyin nio narin sana kasi minsan lang sila bata diba? ? Isa pa! Ung mga nanay na lakas magsabi "ok lang may pera naman kami pambili ng formula" bakit ang mga artista milyon milyon ang pera pero pinipili magbreastfeed?! Sige nga?!Di naman kayo pinipigilan sa pagfoformula feeding niyo, pero yung ganyan ang sabihin niyo? Parang sinabi niyo na dukha lang ang dapat magbreastfeed. Aminin niyo may mga ganyan magsalita e. Nakakaburaot. Haha. Again im not against FM kasi alam ko minsan need na magstop mag BF kasi may sakit, may kailangang inuming gamot na di pwede for BF. Pero ung mahina supply, di makapagBf Kasi magwork na? di ko makitang valid reason lalo na kung andami ng ways para masolve un. Educate yourselves mga te. Look for a lactation consultant, watch youtube videos, ask help from other BF mothers. PUSH FOR BREASTFEEDING WHILE YOU CAN.

27 Replies

May hindi nakakapagpabreastfeed because inverted ang nipple. It doesnt make them less of a mother. Mas masama ung nakakapagpadede nga pero pinapabayaan ang anak, todo post sa socmed na ebf cya and hands on sa anak pero in real life hindi naman dahil buhay dalaga. Di natin pwede ijudge ang iba dahil lang sa nakikita natin. We dont know every story a mother has to tell. Anyways ebf ako sa 2 anak ko. But I respect every mother out there na ginagawa ang lahat para sa anak.

buti

It’s different for everyone. You don’t get to say na lame ang mga reasons na yan. Madali sayo magsabi nyan dahil bf ka at feeling mo napaka dakila na ng ginagawa at yung mga naka fm lame na. You don’t get to judge them. Walang nanay ang hindi gusto ang makakabuti sa anak. Itong mga taong ito ay biktima ng sitwasyon. Wag kang mang shame ng iba porket bf ka. Parang pinapalabas mo na yung mga nanay na nag fm nagkukulang sa mga anak nila. Wag ganun te.

aq nmn kinailangan talagang imixed feed, gawa ng single mom aq, wala akong ibang aasahan kailangan magtrabaho para samin, paano yung ibang panga2ilangan namin, paano ko magpa2suso full time kung wala akong kinakaen , anong made2 nya sakin,

Iba-iba tayo ng sitwasyon. Ako pure bf ako pero sa 6th month ni baby we're planning na i-mix feed sya although mag pupump din naman ako kumanga back up ko lang ung FM dahil pano kung di ako makapag ipon ng stash? Or mag oovertime sa trabaho? Hahayaan ko bang magutom ang anak ko? Di natin masisi yung ibang parents kanya-kanyang choice yan pero at least they tried na mag bf hindi lang talaga kinaya dahil they need to work at hindi lahat kaya mag pump at work.

Wlang may paki sayo at wla ka din paki.😂 pls mind ur own business at wla ka din paki kng magpapa bf or fm kami noh choice namin/ko yan. Since birth ng anak kng babae hndi nag bf kahit kunti kaya nung pwde na cya kumain ng solid foods fresh vege at fruits pag kain nya hanggang ngaun kaya thanks god sobrang healthy active at matalino pa top1 lagi sa school.kaya ano pinaglalaban mo?😂 kng ikaw gusto mo mag BF edi nag Bf ka wla nman may paki

educate? sana inapply ny po yan sa sarili nyo po? mixed feeding here, as much as possible na gusto ko mag bf, hindi uubra dahil sa single mother aq , na kailangan magtrabaho, malayo din , wala rin kaming palamigan para mag store ng na ipump, hindi po tayo pare parehas ng katawan at dahilan , hindi rin porket tumalab sa iba yung mga lactation chorva eh ganun na rin mangya2ri sa iba ,

Pwede naman sguro mix lang dba? Like nag papump naman tlga tska formula milk. Kasi malay natin yung ibang mga nanay di tlga ganun kaabot ang mga gatas nila . Lalo nat malakas mag dede si lo. Pero sana wag din natin kalimutan na mag pump at all times needed kahit na malayo satin mga baby natin kasi kelangan natin mag trabaho. I think di naman natin mapapabyaan ang pagiging ina natin kung ganon.

Yup. Mix yung baby ko. Di madami yung gatas ko

VIP Member

guilty ako .. inom ako ng inom ng malunggay sabaw at capsule. kso ph iiyak na c baby at isasalpak ko na dede ko wala ako tyaga para mtagalan ung iyak nya. kc sabi ipadede lng dw ng ipadede. khit umiyak. nhihirapan tlaga ko. ayoko kc ung nrrinig ng kpitbhay ko ung ngawa ng anak ko na kala mo inaapi. kya gnagawa ko ayun salpak nnman ng formula. pero tnatry ko prin best ko.

true momsh! ang hirap pag naririnig ng kapitbahay ung ganun. dito samin iniisip nila pinapabayaan ko lang anak ko eh kaso ang hirap naman magpadede lalo na tatay ko lagi sinasabi walang nakukuha sakin si baby.

Eh di ikaw na po. Ako bf din sa bunso ko pero nakikita ko di sya masyado nabubusog kaya triny ko na haluan ng formula milk kahit once or twice a day lang. Di mo kelangang insultuhin yung mga nanay na hindi kayang magpa'breastfeed sa mga lo nila. Easy for you to say kasi malakas milk mo but for some moms hinde.. So stop being insensitive.

VIP Member

It's a good thing that many of us are breastfeeding advocates but we can't blame those who mixed/formula feed. I know someone whose depression went away when she stopped breastfeeding. The pressure nowadays on bf napakalaki, nadedepress tuloy yung mga di makapagprovide. Giving formula milk to your LO does not make you less of a mother. Fed is best.

Exactly what I went through. Preggy pa lang ako talagang tinatak ko sa isip ko na magbibreastfeed ako kasi dun sa panganay ko di ko talaga nagawa. But then, I think hindi talaga siya para sakin. Both me and my LO tried so hard to latch pero talagang si LO umaayaw dahil na din sobrang pagkainvert ng nipples ko. Napapagod siya magsuck. Then pinush ko pa rin, nagpump ako ng nagpump, pero my supply did not go up. Okay pa first month kasi sapat pa yung nakukuha ko pero while the baby grows, stuck talaga yung dami ng nakukuha ko. I ended up blaming myself kasi bakit di ko magawa. I used to think na napakawalang kwenta kong ina kahit na laklak ako ng laklak ng mga milk boosters, pump dito pump doon. Traded rest and sleep para makastick sa schedule. Did everything but to no avail. Then nagintervene na asawa ko kasi nahahalata na nya ang resulta sakin psychologically. Okay na daw yun na naibigay ko gatas ko until 3 months. Magpahinga na daw ako at iformula namin si baby. Mas naaalagaan ko baby

Mommy alam mo ndi lahat ng mother na tulad mo e nakakaya magbreastfeed kahit hanggang 1 year old and up. Wag masyadong judgemental. Ndi porque saglit lang nakapag breastfeed e i jujudge muna. May mga kanya kanya ng dahilan ang ibang mga mommies natin. Just respect them na lang. If ur an advocacy of BF then good for you.

Trending na Tanong