BM vs FM comparison

Nakakainis lang ibang tao na pinipilit ang breastmilk kaysa sa formula milk. Oo mommy, masustansiya talaga ang BM at alam lahat yan ng mga nanay pero sana wag niyo naman pinipilit yung ibang nanay na wala talagang choice kundi mag FM dahil walang gatas or kulang talaga yung supply ng BM kahit ginawa naman lahat (uminom ng mga pampagatas, latching etc). Hindi sa pagiging maarte, kahit sino naman gugustuhin magpadede kasi sino ba naman aayaw na hindi ka na gagastos sa gatas diba? Nakakainis lang kasi may magtatanong about sa FM tapos sasabihin breastmilk is still the best, i know/we know that. Hindi naman magtatanong yan kung EBF yan e. Kumukuha lang ng idea yan sana sagutin naman ng maayos.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy same sentiments. 2months na si LO ko and mixed feeding kami. Lahat na ginawa ko from malunggay, lots of water and all, mahina pa din gatas ko. Kaya nag formula na ako. Ngayon habang may nalabas pa na milk sa breasts ko, inooffer ko talaga kay baby.