BM vs FM comparison

Nakakainis lang ibang tao na pinipilit ang breastmilk kaysa sa formula milk. Oo mommy, masustansiya talaga ang BM at alam lahat yan ng mga nanay pero sana wag niyo naman pinipilit yung ibang nanay na wala talagang choice kundi mag FM dahil walang gatas or kulang talaga yung supply ng BM kahit ginawa naman lahat (uminom ng mga pampagatas, latching etc). Hindi sa pagiging maarte, kahit sino naman gugustuhin magpadede kasi sino ba naman aayaw na hindi ka na gagastos sa gatas diba? Nakakainis lang kasi may magtatanong about sa FM tapos sasabihin breastmilk is still the best, i know/we know that. Hindi naman magtatanong yan kung EBF yan e. Kumukuha lang ng idea yan sana sagutin naman ng maayos.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Correct!!! Nagdalawang isip narin akong magtanung dito about best formula milk para Kay Baby ko since mixfed siya Kasi for sure magsisilabasan Ang mga perpektong mommy na EBF at magsusuggest na mag EBF ako, magmalunggay, masasabaw na ulam and everything, out of topic na minsan pero para mapagmayabang Lang na EBF sila at ma'shame nila Ang ibang mommy eh go Lang sila Ng go sa pagcomment na Wala namang kinalaman sa topic. Well, GOOD FOR YOU KASI MARAMI KANG SUPPLY NG BM, DIMO KELANGANG MAGFORMULA KASI 24/7 NASA TABI KA NG BABY MO AND HEALTHY KA KAYA OKAY LANG MAG EBF, CONGRATS!

Magbasa pa