BM vs FM comparison

Nakakainis lang ibang tao na pinipilit ang breastmilk kaysa sa formula milk. Oo mommy, masustansiya talaga ang BM at alam lahat yan ng mga nanay pero sana wag niyo naman pinipilit yung ibang nanay na wala talagang choice kundi mag FM dahil walang gatas or kulang talaga yung supply ng BM kahit ginawa naman lahat (uminom ng mga pampagatas, latching etc). Hindi sa pagiging maarte, kahit sino naman gugustuhin magpadede kasi sino ba naman aayaw na hindi ka na gagastos sa gatas diba? Nakakainis lang kasi may magtatanong about sa FM tapos sasabihin breastmilk is still the best, i know/we know that. Hindi naman magtatanong yan kung EBF yan e. Kumukuha lang ng idea yan sana sagutin naman ng maayos.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Totally agree with this. Based on my observation, madalas na mamommy shame ang mga FM moms. I'm a breastfeeding mom before but due to certain reason, I needed to stop. I'm taking maintenance medicine kasi for my two types of depressions and my Psychiatrist asked me to stop breastfeeding if I want to continue my medication kasi limang gamot ang tinetake ko everyday at matataas ang dosage kaya may tendency na mahalo sya sa breastmilk ko. I knew the struggles kasi lahat naman ng moms ang gusto talaga is maibreastfeed ang mga babies nila. Aside sa makakamura na dahil di na bibili ng fm, masustansya pa kaso may mga moms talaga na kahit anong gawin at nagawa na lahat ng magagawa sad to say hindi talaga sumasapat kaya napipilitan mag fm. Andyan na yung frustrations dahil di makapag breastfeed and may snide remarks pa from the other moms na parang kabawasan sa pagiging babae at pagiging ina kung ifoformula milk mo ang anak mo. But at the end of the day, fed is best whether bm or fm. 💛

Magbasa pa